tinulak ko siya ng malakas. hindi ako makatingin sa kanya. bakit? nahihiya ako. naiines pati ako sa kanya. bakit niya yun ginawa? bakit sa lugar na to? hindi ko pa nga siya kilala tapos ganyan na siya umasta.
"wag mong sabihin.. first mo yun?" tumingin ako sa kanya ng masama. tapos tumakbo na ako.
pumunta ako sa may dulo ng hallway at nagtago. nakakainis! bakit ba niya yun ginawa?? nakakaasar siya. bakit siya pa? okay lang kung si Jake yun. Crush ko naman siya-- Oh wait. Never mind. Nakakabigla naman tong nangyari sakin. Parang wala na akong mukha na ipakita sa kanya, buti nalang at wala nang tao dun. Kundi, baka nasa kwarto ako ngayon at hinding hindi lalabas ever. bwisit! bakit ba ganun yung first kiss ko?
Sabado na bukas. May fireworks display. Punta kaya ako?
Nanunuod ako ng TV habang nakain ng ice cream. Aish, paulit ulit nagpeplay yung ginawa sakin nung lalaki nun!
"Letlet, anak. Pupunta ba kayo nila Aya bukas? Sa fireworks display?" umiling ako kay Mama. Nasa kusina si Mama, naghihiwa ng gulay.
"Hindi po ako sure Mama e. Mamaya punta dito si Aya."
"Okay, sabihin mo agad sakin para ihanda ko na damit mo." aish, eto talaga si Mama! binebaby baby ako palagi! Pwede naman na ako maghanda ng damit ko. Pero yan ang gusto ni Mama. So, pagbigyan na natin. HAHA!"Ma.. sino first kiss niyo?" tumingin sakin si Mama, halatang nagulat sa tanong ko.
"Bakit mo naman yan natanong?" tinaas ko yung balikat ko. "wala lang.. sino nga? hindi si Papa no?" tumawa lang si Mama.
"weh? Mama, kilala po kita! Kapag niroll niyo mata niya naglilie kayo. Okay lang kahit si Papa.. hindi naman makakarating e!" yung bandang dulo nihinaan ko na.
lumapit si Mama at tinutuk sakin yung kutsyilo. "hoy Letlet! pumunta ka na dun sa kwarto mo! baka masaksak kita ng di oras! sige ka!" HAHA. sabi ko na nga ba! hindi si Papa first kiss niya. HAHA! tumawa lang ako. tapos tumayo na.
"Mama.. sino?? dali na! hindi ko naman sasabi--"
"hindi ka titigil Letlet! Sige!" tapos tumakbo ako agad, nako! papaslangin ako ng aking minamahal na ina! HAHA! pero joke joke lang namin to. hinabol naman ako ni Mama. pumunta agad ako sa kwarto at nilock.haaaay. now i'm safe!
7:00 pm
nandito ako sa kwarto ko. humarap ako sa salamin ko. kinuha ko yung lip gloss ni Ate. tinakas ko. HAHA!
nag-apply ako ng lip gloss sa labi ko. san pa nga ba?? san ba nilalagay ang lip gloss?? MALAMANG SA LABI! AY NAKO! :))
* TOK TOK TOK *
binuksan ko naman yung pintuan. si Aya, dumating. Naka dress, nakamake-up, nakaheels, nagpakulot, basta! inayos niya sarili niya.
"CHE!! i miss you! GRABE! may date kami ni Marco mamaya!! Excited nako!!" natuwa naman ako sa sinabi ni Aya.
"ibig sabihin, binigay niya.." napangite ako dun. atleast may ginawa siyang maganda. HAHA.
"ha? ano sabi mo?"
"eh? sabi ko, masaya ako sayo.." umupo muna kami sa kama ko."tss. wala lang, napagtripan ko lang no." tapos tumingin ako sa labas dun sa may bintana ko.
haaaay. sabihin na natin ang first love ko ay ang langit. i just love it! ang ganda kasi.. nakakarelax tignan. isang tingin mo lang, masaya ka na. magaan yung pakiramdam mo. parang lahat ng problema mo naalis.. kaso yung nangyari kahapon.. laging nagpeplay sa utak ko tuwing nakikita ko yung langit. ARGH!! hinawakan ko yung labi ko.. yung labi ko.. ang malas ng first kiss ko.. tapos yung nakakiss ko yung panget na asungot na maangas na playboy na mukhang adik! kaasar! hindi ko malimutan. gusto kong malimutan yung nangyayari..
"Che.. Okay ka lang?" tumingin ako kay Aya. sabihin ko kaya?
"ANO?!?!"
OKAY. kinuwento ko kay Aya yung nangyari. At mukhang masaya pa siya. AISH!
"sino dun sa kaklase ni Marco??" mukhang interested tong si Aya.
"yung lalaki maangas, na mukhang playboy tapos yung buhok may kulay.." sumimangot si Aya sa sinabi ko.
"Che, madaming may kulay ng buhok dun. anong kulay ba?" inisip ko yung nangyari..
"ah! blonde yung kulay!"
"blonde? edi si.. si DINO?!?" Dino? parang Dinosaur ah! HAHAHAHA!! :))"Tsaka, ang alam ko may girlfriend na yun. pagmagsasama nga yung dalawa ang sweet! parang walang magpapakahiwalay sa kanila. tapos may terno silang keychain na bear! ang cute niya e!" may girlfriend siya? haaaay. nabiktima ako. :(
hinabol ko si Aya. "Aya! wait lang.." nasa labas na pala kami ng bahay. "bakit?"
"sure friendship! bukas! pramis! okay?" nagnod ako. "wag mong sasabihin sa kanila ah! ingat!! bye bye!!" sabi ko habang nagwawave. ganun din siya.
Kinabukasan. 9:00 pm.
Inayos ko na sarili ko. Kasi mamaya na yung fireworks display. at pagdating ng 12 birthday ko na! 15 years old nako. Hay. Tumatanda nako. tsk tsk. sayang ang beauty ko. HAHA! kapal e. XD dinala na sa kwarto ni Mama yung damit ko.
"Letlet eto na damit mo.." kinuha ko na yung damit ko. eto yung suot ko oh:
cute di ba? HAHA. syempre birthday ko, kailangan maganda ako. HAHA!
palabas na ako ng bahay ng makasalubong ko si Papa, galing trabaho.
"Papa! Aalis na po ako."
"Gusto mo bang ihatid kita?" ngumite ako kay Papa.Naglakad ako kasama si Papa papunta dun sa Central Park. Dun kasi gaganapin e.
"Mamaya.. birthday mo na. ano gusto mo, Letlet?"
"Kahit ano! kahit cake lang masaya nako, or pwede kahit wag nalang. basta sama sama tayong icecelebrate yung birthday ko!" kahit ano. basta kasama ko sila. masaya na ako. :)"cake? sige, try kong bumili.. oh, dito na pala tayo e." tumigil na kami sa paglakad. "mag-iingat ka ah! uwi ng maaga."
"ang aga ko ata." tetext ko sana si Aya kaso wala na pala akong load! SHOCKiNG! biglang may umupong lalaki sa tapat ng upuan ko. biglang nagring yung cellphone ko.
Calling .Friendship'Aya.
"Hello? Nasan kayo?"
"Ahihi. Hindi kami makakapunta e. Sinisipon kasi ako, si Yuri kasama niya family niya, si Hannah naman nag out of town. sorry ah. by the way, nakita mo na siya?"
"ganun? okay. get well soon. sinong siya?" tumingin ako dun sa lalaki. teka nga.. si JAKE to ah?!"si JAKE!" aray ko! mababasag eardrums ko dito eh!
"bakit siya??"
"haaays. friendship, akala ko ba gusto mong makalimut. oh ayan na, good luck na lang! bye bye!!"
haa?? uy teka!! Aya!" ayun binaba na niya. bwisit e. "uh..hello." ngumite si Jake sakin. Tae, ang gwapo. HAHA.
"alam mo bang.. ang first kiss ko yung tatay ko." natawa naman ako sa kanya. sa tatay niya? loko. XD "oo nga! 1 week after nung ipinanganak ako, kiniss ako ni Dad. kaya siya yung first kiss ko."
teka nga! bakit first kiss ang kinuwento niya?! wag mong sabihin..
"kinuwento ni Aya sayo?" hindi siya sumagot. biglang nagsimula na yung fireworks display.
lumabas kami ni Jake, grabe.. first time! HAHA. after nung fireworks display. nagring ulit yung cellphone ko.
Calling .Friendship'Aya.
"Hello?"
"CHE! happy birthday!!" uy. nakaalala! HAHA."hehe! thanks! gift ko?"
"ayan na kaya." eh? ano pinagsasabi neto?"si Jake. may gusto pala siya sayo! grabe girl! haba ng hair mo!! i love it!!"
"loka. ikaw ah! patawag tawag ka pa. yaman mo!"
"syempre! sige, enjoy nalang friendship! good night!"
"good night! thanks ah! bye bye!" tapos binaba ko na.dumating si Jake, bumili kasi siya ng pagkain. HAHA. habang nakain ako, nagkwekwento siya tungkol sa buhay niya. ang saya nga niyang kasama e. HAHA. daldal! sa school kasi, bilang na bilang yung mga sinasabi niya! tinitipid yung mga salita niya! HAHA. for short, hindi masyadong nagsasalita. YUN YUN EH! =))
"oh, may dumi ka." tinuro niya yung dulo ng labi ko. tapos tinanggal niya. SHOCKS! kinikilig ako!! WAA! ngumite ako sa kanya.
biglang may tao sa harapan namin. tumingin ako kung sino yun..
si Dino..
hinagis niya yung pagkain na hawak hawak ko. syempre, nagulat ako sa kanya. bakit niya yun ginawa? hinila niya ko tapos pinigilan ni Jake si Dino.
"She's mine."
o______________________________O
sinuntok ni Dino si Jake. aish! kakabad trip tong Dino na to! lagi nalang ako pinapahiya! narinig kong sumigaw si Jake.
"Che! Teka!" hila hila pa din ako ni Dino. ang daming tao kaya siksikan. tumingin ako sa likod kung nandun si Jake pero hindi ko siya nakita.
after nung matagal na hilahan mode. HAHA. tumigil kami sa isang quiet na lugar. kung saan masasabi mong nature..
tinanggal ko yung kamay ko sa kamay niya. "bakit mo ba to ginagawa sakin?" sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.
"naloloko ka na ba? may girlfriend ka ah!"
"tss. nakipagbreak nako sa kanya."
"oh talaga? e bakit nandyan pa din yung keychain na bear na terno sa kanya??" ang gulo netong si Dino! may gusto siya sakin, pero yung keychain na bear na terno dun sa gf niya hindi pa niya tinatanggal. abnoy din to no?"dahil yan ang nagpalapit satin. it always reminds of you and me.." eh? ano ba tong sinasabi niya? bigay yan ng gf niya e. pinakita niya sakin yung keychain na bear. may tahi dun. ay teka.. naalala ko na..
* FLASH BACK *
nasa Library ako, binabasa yung favortie book ko. About sa Skies. HAHA. oo na, ako na adik. XD
* KRIIIIINGG! *
"eh? ano yun?" hinanap ko yung sound na yun. at nakita ko dun sa may sahig.
may natawag. sagutin ko?
"Hello?"
"Sino to?"
"Che.. Chevrolet Dee, 3 - A"
"Nasan ka ngayon?"
"Library.""Okay. Cellphone ko kasi yan, kanina ko pa hinahanap."
"Teka! paalis na ako e."
"Ganun ba? sige, iwan mo sa lugar na madaling hanapin."
"madaling hanapin? iwan ko nalang sa katabi ng favorite kong libro."
"Oh sige. punta nako dyan." tapos binaba na niya.nakita ko yung keychain na bear sa cellphone niya. tastas na yung arm sa katawan. buti nalang may art class kami kanina. HAHA. kaya may dala akong pangtahi, para sa class namin dun. Kaya, tinahi ko. "ayan! okay na, nakakabit na yung kamay mo!" kinuha ko yung cellphone at yung favorite kong libro at iniwan sa desk. umalis na ako dun sa library.
pagkalabas ko may nakita akong lalaking blonde ang hair. nakaabang. hindi ko siya pinansin, tuloy tuloy lang ang pag-alis ko.
* END OF FLASH BACK *
ibig sabihin.. yung lalaking nakita ko.. siya yun? nakita niya na ako yung tumahi?
"tignan mo, ang pangit ng pagkatahi mo. pero okay lang. hehe!" aba! hindi man lang nagthank you eh? nanlait pa.
nakangite siya.. yumuko siya tapos may pinulot na bulaklak sa damuhan. alam niyo kung ano ginawa?
binunot! ayun, kasama yung lupa. HAHA. pati yung ugat.
"happy birthday." aish. nature lover ako. ang sama naman niya! tignan mo yung ginawa niya. sinira niya yung bulaklak. kawawa naman.
"hindi ka ba masaya?"
"hindi! tignan mo! kawawa yung bulaklak. hindi ko tatanggapin yan. this is the awful birthday i had." tapos tumalikod ako at naglakad palayo."Che!" tumingin ako sa kanya. "ganun ba kaimportante yung kiss na yun?"
"she's not my girlfriend anymore. di ba sinabi ko sayo kanina? nagbreak na kami." tss.
Author's Note: LPers - LP means Laplapan. Tawag sa mga naglalaplapan, LPers. XD
"it's just a farewell kiss." farewell kiss niya mukha niya! hindi ko na siya pinansin. kaasar! bakit ba naging ganito buhay ko? panira to. binago niya lahat! umalis nako. hindi pa ako nakakalayo. tinawag niya ko.
tumakbo ako pauwi. ayoko na! kainis! bakit ba kasi siya ba? birthday na birthday ko e! hindi ba niya alam na mahalaga ang first kiss? HAY NAKO! hindi pwedeng idaan sa sorry sorry! BWISIT!!
pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko. hindi ko pinansin sila Mama, Papa at Ate.
dun ako nagmukmok. kaasar! sarap niyang bugbugin. ARGH! i hate it.
* TOK TOK TOK *
pumasok si Ate sa kwarto ko.
"Bunso, may nangyari ba?" nagnod ako ng dalawang beses. "ano? dali na, birthday na birthday mo malungkot ka.." sabihin ko kaya kay Ate? wala naman masama di ba?
"eh kasi Ate.. May isang awful na lalaki na nagkaroon ng gusto sakin.."
"awful?"
"M-hm.."
"pano mo naman nasabi na awful siya?" pano nga ba? nag-isip ako muna. ang tagal bago ako makasagot. mukhang nainip na si Ate kaya nagsalita na muna siya. "kung sa looks yung awful na sinasabi mo, wag ka muna magjudge. tignan mo muna yung inner niya. yung ugali niya. kung panget siya pero ang puso ay napakaganda, edi go. tanggapin mo siya. ano naman kung gwapo siya? maganda ba ugali? wag ka muna magjudge, Letlet. kilalanin mo muna siya. be close with him." nagnod ako kay Ate ng dalawang beses. "first time mo na may nagkaroon ng gusto sayo no?"
"eh? uhmm.. M-hm." tumungo ako.
"kaya pala.. tara na! labas ka na. okay ka na?"
"M-hm! thank you ate ah! pagtinanong ni Mama at Papa kung anong nangyari, sasabihin natin na hindi sumipot sila Aya.." talagang hindi sumipot mga yun e! daming excuses! hay nako.pumunta na kami dun sa dinning area nila Ate. At may cake! HUWAW. siguro binili to ni Papa. HAHA. nakalagay dun sa cake..
Happy 15th Birthday Letlet!
We're always here for you, no matter what happens.
We love you! Take Care always..
Much Love,
Papa, Mama, and Ate. :)
Aww. ang sweet nila no? HAHA. yan ang family! :)) syempre kumanta muna kami..
♫ HAPPY BIRTHDAY LETLET! HAPPY BIRTHDAY LETLET! HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY. HAPPY BIRTHDAY LETLET!! ♫
-----------------------
Monday. 7:30 am.
As usual, naglalakad ulit ako. HAHA. papunta sa school. kasabay ko sa paglakad ko si Hannah at Yuri. Si Aya, wala pa. Nasan na kaya yun?
"AYA!!!" yan ang sigaw. XD si Yuri talaga pagsumigaw parang duwende lang! HAHA!
"Oh! Morning!!" binati din namin si Aya.
"Oh, Aya.. Bakit ang haba ata ng pilik mata mo?" tanong ni Hannah.
"oo nga no? fake yan no?!" biglang tinakpan ni Aya yung bibig ko. "Sssshhh!! wag kayong maingay!!" haaaays! siguro magpapacute to kay Marco. HAHA! XD
kaya ang ginawa namin, lumapit kami sa kanya. tapos nagbubulungan. "Aya.. hindi maayos yung pagkalagay ng eye lashes mo.." sabi ni Hannah. pero nung tinignan ko, maayos naman. siguro mantitrip to! HAHA!
"eh? ayusin niyo nga!!" tapos lumapit si Hannah. "pikit ka.." sabi ni Hannah. hinawakan niya tapos nagsignal siya samin na umalis. si Aya, nakapiket. naghihintay. hindi niya alam na wala na kami sa tabi niya.
"girls.. ang tagal naman.." tapos dumilat siya. tumingin samin. kami, tawa ng tawa!! mukha kasi siyang tanga ee! panu, pinagtitinginan siya ng mga estudyante! =))
During Chemistry Class.
Dakdak yung teacher sa harap, samantalang walang nakikinig! HAHA. hate kasi namin ang Chem, pero love namin ang Math! Well let say, ang specialty ng section A ay ang Math. B naman, Chem. C, English tapos ang D, sa Music lang at kalokohan. HAHA.
Nakatingin ako sa notebook ko. Nagdrawing ako ng ulo ng tao tapos ang buhok is yung katulad sa anime. tapos yung itsura nakangite. teka nga.. si ano to ah! erase erase!! binura ko agad yung dinarawing ko. aish! ano ba to?? bakit ko naman siya idadrawing?? FYI, mukha siyang adik na anime! Di ko siya type! Tumingin ako sa harap, nakita ko nakatingin sakin si Jake. Nako!! Wag mo kong titigan! Natutunaw ako. Okay? Hindi ko nalang siya pinansin. ARGH!!
"A homogeneous mixture has the same uniform appearance and composition throughout. Many homogeneous mixtures are commonly referred to as solu--" biglang bumukas yung pinto ng room namin. kaya napatigil sa pagdiscuss yung Chem Teacher namin. Edi kaming lahat tumingin dun, si..
si Dino..
Bigla siyang pumasok at nagmamadali, hanggang sa lapitan ako at hilahin. ano ba naman to?! another kahihiyan?!
"Mr. Yang! Anong ginagawa mo dito?! Nasa gitna ka ng klase ko! Ibalik mo si Ms. Dee!" hindi nakinig si Dino. Ako, ginagawa ko lahat para makabalik. tinatanggal ko yung kamay ko, pero ang higpit talaga ng pagkahawak sakin.
So ang nangyari.. tinakas ako sa klase ko. it means, nagcutting kami. Grr! Ano ba pumasok sa kokote nitong lalaki ha?! kainis ah! wala na siyang ginawang matino! Eto kami ngayon, nakasakay ako sa bike niya.
"Humawak ka sakin.." AYOKO NGA!
"ayoko. bakit ba?!" nakakainis na talaga siya! umiinit na dugo ko!
"basta! dalian mo, lilipad na tayo!" HAY NAKO! lilipad?! eh, nakabike tayo! wag mo nga akong lolokohin! gusto mo lang magpayakap e..
"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!"
OKAY. binabawi ko na yung mga sinasabi ko. >__________< napahawak ako sa kanya. Lilipad nga! Ang bilis ng takbo niya ng bike! after ilang minutes. tumigil na siya kasi nakarating kami sa isang place.
Nature..
Lumakad na siya, kaya sinundan ko na siya. Hanggang sa tumigil kami sa may malaking puno. after nung puno, may cliff dun kaya ingat ingat baka mahulog. HAHA.
"WOW.." speechless? YES. Ang ganda kasi, tapos yung puno.. ang laki! tapos medyo matanda na, pero nandun pa din yung pagka-ancient. Umupo si Dino sa damuhan tapos kinuha niya yung cellphone niya at pinicturan niya yung langit.
ngumite siya sakin, "simula nung nakilala kita nung tinahi mo yung keychain.. hindi ka na naalis sa utak ko. sabi ko sa sarili, dapat siya nalang ang minahal ko di tulad nung iba dyan.. boyfriend lang ang habol. kaya nung time na yun.. masayang masaya ako. kaya nagpromise ako sa tapat ng punong to.. nadadalhin kita dito at pasasayahin." aww. kakatats niya. tama si Ate. dapat hindi ko siya jinudge. Dapat kilalanin ko muna siya. After all, hindi naman siya awful. I think he's great. :D
"ikaw.. para kang yung hangin.. lagi mo kong sinusurprise.. kapag lumakas yung hangin, nagugulat ako. kapag bumagal, medyo tahimik. naisip ko nga na yung magiging first kiss ko is masaya.. manggagaling sa tao mahal ko. pero hindi eh.."
"bakit? mahal naman kita.. kaya kitang hinalikan.." eh? o.O
"dahil alam kong may mabuti kang puso." aish. nagiging speechless tuloy ako. hindi ko alam sasabihin ko. >________<
"can you atleast try to like-- I mean.. love me?" ngumite naman ako sa tanong niya. hindi ko alam.. hindi ko alam.. pero bakit ganito ang nararamdaman ko? ang saya saya ng feeling ang gaan gaan..
biglang nagtouch yung likod ng kamay niya pati yung likod ng kamay ko. kaya napatingin ako. then..
he hold my hand tight..
No comments:
Post a Comment