Good Morning!! Haaaay. Ilang weeks nalang, summer na! Grabe, ang bilis. Parang kelan lang..
Bumangon ako sa kama ko tapos nagunat unat muna. Pumunta ako dun sa may bintana ko tapos binuksan ko. Grabe, ang ganda ng langit.. Kinuha ko yung cellphone ko tapos pinicturan. Nakangite ako habang tinititigan to.
* TOK TOK TOK *
"Letlet, gising na." si Mama.
"Gising na po ako!" tapos inayos ko na kama ko tapos pumunta na sa CR.
"Morning!" bati ko kela Mama, Papa, at Ate.
"Morning bunso!" si Ate Cherry. Sabi nila kambal daw kami. pero, ang layo talaga! HAHA.
"Oh anak, eto lunch mo. baka makalimutan mo ulit." nako, si Mama talaga. ayaw akong magpalipas gutom.
tumingin ako kay Papa. "Papa, yung necktie niya po. hindi maayos.. teka nga.." inayos ko yung necktie ni Papa. "ayan. okay na!" nagthank you si Papa sakin. then kumain na kaming lahat.
habang naglalakad papunta sa school ko. napatingin ako sa langit. haaaay. oo na, adik ako sa sky. :)) for the second time, kinuha ko ulit cellphone ko tapos pinicturan.
"1-2--"
"CHE!!"
"3!" uwaaa. napasimangot ako, bakit? napasama si Aya sa picture! Kainis tong bruhang to! dinelete ko nalang yung picture. sayang e."Morning Che!!" binati ko din siya. "tignan mo! tignan mo yung make-up ko ngayon!!" eh? tinignan ko naman. aba may mascara ang bruha! HAHA. biglang tumakbo yung mga friendships namin samin.
"Morning Aya! Morning Che!" sabi ni Yuri. Siya ang pinakamaliit sa amin. as in maliit! HAHA! pati boses, maliit! ang cute nga e! XD
"magkano?" tanong ko kay Aya. aba, yung tatlo tumahimik. bakit kaya?
"aish. wag mo nalang pansinin yung presyo. kaya hindi ka nagkakaboyfriend e. hindi ka bumibili ng make-up." kailangan pa ba nun? kailangan pa ba ng make-up? para lang magkaboyfriend? ayoko pa man din magmake-up! nakakasira sa aking byutiful peys (beautiful face)! HAHA.
tinanong namin si Aya kung bakit nakamake-up siya ngayon. ang sabi ba naman, "Kasi.. I'M IN LOVE!!" waaa?? si Aya? In love?? Grabe! "Sino?? Kanino naman??" mga tanong namin sa kanya. "lapit kayo.." edi lumapit kami kay Aya.. nakacircle kami tapos nagbubulungan.
"SECRET!" aba! ang daya neto ni Aya! tumakbo agad, edi hinabol namin kasi iisa lang naman section namin. kaya sabay sabay na kami. pumunta kami sa room ng 3rd Yr. - D. ang last section. pero wala na kami paki dun kung bobo yun. HAHA. importante, in love si Aya! Kanino kaya??
tapos tinuro niya yung lalaki, "girls, ayun oh! yung may piercing sa tenga. siya yun, si Marco." naglalaro yung mga kaklase nung Marco daw.
"oo nga! ang swerte mo. masaya kami para sayo.." sabi naman ni Hannah.
ako? no comment. HAHA. biglang lumapit samin yung Marco. Katabi ko si Aya ang position kasi namin.
sa left side: Ako - Aya
tapos sa gitna yung door.
sa right side: Hannah - Yuri
lumapit nga si Marco tapos inabot niya sakin cellphone niya. "I'm Marco. palitan tayo ng number." si Aya, biglang tumakbo.
"AYA!" tinawag namin siya pero hindi lumingon, sinundan siya nila Hannah. Ako dapat susunod kaso hinawakan ako ni Marco. tumingin ako sa kanya.
"Marco, ikaw na." napatingin ako sa pinto. isang lalaking mukhang maangas, playboy, may kulay pa buhok! NAKO! bawal yan! pumasok yung lalaking may kulay ang buhok.
"lagay mo number mo." bumitaw ako sa kanya.
"sorry. excuse me.." tapos tumakbo na ako.
During Classes
"Aya.. Aya.. na misinterpret ka.. sakin niya hiningi yung number mo.." nakapatong yung ulo ni Aya sa desk niya. katabi ko naman siya e.
"talaga?" ngumite siya.. slight lang.
"M-hm! kasi nahihiya siya sayo.." LiE. >__<
"Di NGA?!" NAKO! napalakas yung sabi ni Aya.
"Aya! Tumahimik ka dyan!" yan na nga ba sinasabi ko e. HAHA. napagalitan tuloy siya ni Ma'am!
"Sorry po.." tapos ngumite siya sakin. Whew. Kailangan kong gumawa ng paraan. Nako! Ano ba tong pinasukan ko? Bwiset naman!
Lunch Break
"GRABEE! Bakit kaya siya nahihiya sakin??" sabi ni Aya habang hawak hawak yung cellphone niya. "Aya! Abangan mo text niya! Tignan mo baka may text na!" sabi ni Hannah. tinignan naman niya.
"WAAA! I love you talaga Che!! Akala ko ikaw pinili niya at hindi ako!" sabi niya habang yakap yakap niya ko.
"Hehehe! Ikaw naman Aya! Nanloloko lang yun, ikaw naman ang gusto niya e." kahit hindi.
* TEET TEET*
nagring yung cellphone ni Aya. "basahin mo dali! basahin mo!" atat na atat tong si Yuri e. HAHA. tinignan namin yung text.
From: Michael
`GM~
gandang tanghali!
kain npo kau. ;)
aya - iloveyou po. mwua. :*
ihartyou, aya! =)
"tumigil nga kayo dyan. ang tagal naman text ni Marco! Atat nako e." wushu! palusot ang bruha!
"LOKA! Baka nakalimutan ka na nun!" sama neto ni Hannah!
"HAHAHAHAHAHA!!"
"ewan ko sa inyo!" ayun oh. pikon na. HAHA.tuloy padin ang pagtawa namin. habang nakain kami, may dumaan sa likod ko. tapos biglang sumabit yung buhok ko. pagtingin ko, sumabit sa butones ni Jake. yung shirt niya, dun sumabit.
"aww.." NAKO! may beautiful hair! DAMAGE NA! HAHA! over. :))
"sorry." tinanggal na ni Jake yung buhok ko sa butones niya. "okay ka lang?" nagnod ako sa kanya. gwapo din pala tong si Jake. Ngayon ko lang napansin. HAHA. tapos umalis na siya.
yung mga chismosang friendships ko. ayun, nag simulang dumakdak tungkol kay Jake.
"grabe, after 10 years nakapagsalita din siya!" HAHA. oo nga e, nagulat ako. kasi, LAGING TAHIMIK yang si Jake. ngayon lang nakapagsalita. siguro nagandahan sakin no? HAHA!
"tapos ang sabi.. 'okay ka lang?' WAAA!" hay nako, nababaliw na tong si Hannah. tsk tsk.
"hindi lang yun.. ang gwapo pa ng boses niya!!" sabi ni Yuri. oo nga, ang gwapo ng boses niya. nakaka-inlove. wait. sinabi ko ba yun? erase erase!! HAHA.
Dismissal
"Aya! Tera uwi na tayo." inayos ko na yung gamit ko. uwian na kasi e. napansin nila na hindi ako sasabay sa kanila.
"Che! Tara na! Kain tayo sa Mini Stop!" kailangan ko tong gawin e.
"Ahmm.. Kayo nalang. Pupunta pa ko sa Library e."
"OK! bye bye!!" nag wave sila sakin."Bye bye! Ingat kayo!"
umupo na ako tapos kumuha ng papel at ballpen.
To: Marco, 3 - D
Marco.. Si Aya, mabait. kaibigan ko siya. at may gusto siya sayo.
Kung pwede lang na itext mo siya para maging masaya naman siya.
eto yung number niya: 0915*****63
thank you! :D
From: Che, 3 - A
Pumunta nako sa room ng 3 - D. pagtingin ko, kaklase ni Marco yung nandun. naggigitara.
lumapit siya sakin. "Uhmm. Nasan si Marco?"
"Bakit?" ang angas netong magsalita! hampasin ko bibig neto e!
"Ibibigay ko sana to sa kanya e." tapos pinakita ko sa kanya yung sulat. kinuha naman niya bigla.
"love letters? hindi na uso to! may gusto ka kay Marco no?"
"eh? hindi.. para sa--" bigla siyang lumapit sakin..
then our lips met.
No comments:
Post a Comment