Tuesday, May 4, 2010

Chapter 3


- Dino's POV -

 8:30 pm
School

Gabi na. Madilim na. Wala nang tao. At nasa school pa din ako. Bakit? Ilalabas ko galit ko. LAHAT ng hinanakit na nakatago sa puso ko, sa dibdib ko.

May dala akong baseball bat na nakuha ko sa locker room ng mga players ng baseball. Pumunta ako sa hallway. At pinagbabasag ko yung mga bintana sa hallway. Pinaghahampas ko lahat ng mga bintana. Nilalabas ko ang gigil ko kay Reese at Jake. Nilalabas ko ang galit ko kay Reese. Nilalabas ko ang pagkatanga ko kay Che dahil wala akong nagawa. Oo, ako na bakla. Ako na bading. Hindi ko siya protektahan. Pero ayun ang desisyon niya. Hindi ko matanggap.. Hindi..

"WALANGYA KA REESE! MGA TAONG TULAD MO PINAPATAY! MGA WALANG MAGAWA SA BUHAY!! H*Y*P KA!!" sabay hampas sa bintana.

"IKAW JAKE! KUNG ANU-ANO SINASABI MO KAY CHE! PALIBHASA MAY GUSTO KA DUN! PERO AKO ANG MAHAL NIYA! AKO!  

"BWISIT!" kumukulo yung dugo ko. "IKAW CHE! MAHAL NA MAHAL KITA! NOON PALANG! MAHAL MO KO! BAKIT MO PA AKO PINAKAWALAN?! ANG TANGA MO! DAHIL AYAW MONG MADAMAY PAMILYA MO?! POPROTEKTAHAN KO NAMAN SILA AH! ARRRRGGGGHHHHHHHHHHH!"

- Che's POV -

Wala na nga kami ni Dino. Hindi niya ako hinatid or sinundo stuffs na ginagawa niya palagi. So, habang naglalakad ako papuntang room. Mga nagkakagulo yung mga estudyante. Mga pumupunta sa hallway.

"Che! Che!" hinanap ko kung sino natawag. Si Yuri.

"Yuri! *waves* anong nangyayari?" 

"basag basag yung mga bintana dun sa hallway! nakakatakot ngang dumaan eh!" ano daw?! sino kaya may gawa nun??

"kinakausap na nung Counselor isa isa yung mga teachers ngayon. para tanungin yung mga estudyante kung sino may gawa.." tsk tsk. ano ba tong nangyayari sa school. Nakakatakot.

"AAARAYYY!" huh?

nagkatitiggan kami ni Yuri. "boses ni Aya!" tumakbo na kami papunta sa hallway. puro dugo-dugo yung tuhod ni Aya.

"Aya!! Anong nangyari sayo?!" umiiyak si Aya nun. SYAKS! dugo. kaderder. >___<

"*sniff* may tumulak sakin eh.. *sniff*" ARGH! ang kinis at ganda pa man din legs nito ni Aya. Ayan tuloy! DAMAGE na! panget na tuloy.. tsk tsk. "sino?! sino tumulak sayo?! reresbakan ko!" tapang nito ni Yuri. HAHA.


"AKO. may angal?" tumingin kami dun sa nagsalita.

isa sa mga alipores ni Reese.

"bakit mo siya tinulak ha?!" grabe, tapang neto ni Yuri.

"Nararapat lang yan sa kanya. Inaagaw niya sakin si Marco my love! ANG PANGET MO NAMAN! wala ka sa kinikilingan ko!" sabay taas ng kilay niya. 

yung mga estudyante nakapalibot lang samin.
"inaagaw?! mahal nila ang isa't isa! sila na nga eh!" true yun!

"baka naman, isa ka sa mga feelingera?" banat ko. HAHA. ano ka ngayon?

"feelingera? tch. nakakatawa kayo. mahal nila ang isa't  isa? eh bat ganto? ako pinili niya. may nangyari na nga samin eh. ilang beses nga ba? lima? or anim? hindi ko na matandaan kung ilan na." tapos ngumite siya ng evil smile. parehas lang sila ni Reese. KAASAR!

"Yuri! Che! Aya! Anong meron?!" ayun! dumating din si Hannah. Tumingin siya dun sa alipores ni Reese.

"At sino ka naman?" TARAY!! :))

"Ako? ako lang naman ang TUNAY at MAHAL na girlfriend-- ASAWA ni MARCO. palag? wag ka na lalapit dun! Kundi, mamamatay ka." tapos umalis na yung bruha.

"IKAW ANG MAMAMATAY! PANGET MO! BOBA!" tapos tinaas lang niya yung middle finger niya habang nakatalikod samin naglalakad.


"Tara Aya, punta tayo sa clinic. Para magamot yang sugat mo." tumango lang si Aya.
Habang naglalakad papunta dun sa clinic nakasalubong namin si Marco kasama si Cedric.

"Oh?! Anong nangyari sa kanya?!" tano
ng ni Marco.
"It's none of your business, Marco." sabi ni Yuri. 

"Bakit ka pa nag-aalala? Hindi mo naman siya mahal! Iba yung mahal mo. Niloko mo lang kami.. Lalo na si Aya!"

"Hindi ako makapaniwala na mas pinili mo yun kesa kay Aya?!"

Parang hindi naintindihan ni Marco yung pinagsasabi namin.
"Ha?! Ano ba pinagsasabi niyo?! Siya ang mahal ko. Wala nang iba. Aya, ano ba nangyari?! Bakit may sugat ka?!"

"WAG MO KONG KAKAUSAPIN! TANUNGIN MO YUNG ASAWA MO! BWISIT!" iniwan na namin si Marco dun. Si Cedric, binuhat si Aya. Kasi nahihirapan kami.

- Dino's POV -

Pumunta ako sa Office. Para pag-usapan tungkol sa mga basag na basag na bintana. Nag-usap kami nung Counselor at pinatawag si Jake.
 
Lagot ka. Patay ka. It's my turn. >:)

- Che's POV -

During Art Class

Magpaint daw kami ng isang memory na hindi namin makakalimutan. Wala pa akong naiisip. Tinanong ko sila Hannah.

"Nah, may naisip ka na?"

"M-hm! Yung dinate ako ni Cedric sa Town." ooh~ ang cute naman nun. "ikaw Yuri?"

"Eh? Yung pumunta kami ni Migs sa Central Park." Pwede. Si Migs, siya yung naging ka-fling ni Migs nung Christmas Break.

Anyway, 2 weeks nalang bakasyon na. Ang bilis. Si Aya, pinauwi kasi hindi talaga siya makalakad ng maayos. 

"Ms. Dee, wala ka pang nagagawa? You only have 15 minutes left.." WAA?! 15 minutes nalang?! Edi 45 minutes nako nag-iisip?! WAAA!

"sorry po!" kinuha ko na yung paintbrush. Kahit ano nalang! Bahala na.
Habang nagpepaint, biglang tumunog yung PA.

"May I request Mr. Jake Lee, 3rd Yr. - A to go to the office right now. No excuses. Again, may I request Mr. Jake Lee, 3rd Yr. - A to go to the office right now. No excuses. Please."

Nako, office?! LAGOOOOOT! HAHA. Pumayag naman si Ma'am kaya nakalabas si Jake.

* KRIIIINNGGG! *

WAAAA?! TIME NA?! HINDI PA KO TAPOS!!

"Okay class. Mukhang hindi niyo pa tapos, so bukas. Exactly 8:30 am dapat na sakin na yang mga paintings niyo. Understand?" Whew!

"Yes Ma'am." tapos tumayo na kami.

"Well then. Good Bye Class."

"Good Bye and thank you Ma'am Santos." inayos na namin yung mga kalat at paintings namin.
Tumingin ulit ako sa ginawa ko. Ang gaan sa pakiramdam.. Naalala ko tuloy ulit..

"Friendship! Bakit ka nakangite?" sabi ni Yuri.

"Oo nga! Parang kang baliw. HAHA!" waaa~ naman kasi tong si Hannah eh! Lahat nalang pinapansin. Y.Y

"ha? Ako? nakangite? hindi ah. baka kayo nababaliw."

"wushu! deny pa to. kitang kita namin nu!" kailangan kong gumawa ng topic.

"bisitahin natin si Aya! TARA!" sabay hila ko sa kanilang dalawa. Mukhang effective. HAHA.
Pumunta kami sa bahay ni Aya, break time namin for 1 hour tapos wala pa daw yung teacher namin sa Advanced Trigo. So, 2 hours ang break time namin! WOHOO! ang saya naman ng high school life oh! HAHA. 

Aya's House

"AYAAAAAAAAAA!" sigaww. XD

"ANAK NG TOKWA'T BABOY NAMAN OH! ANG INGAY INGAY NIYO! NATUTULOG AKO EH!"

uh-oh. nagising ata namin ang ina ni Aya. HAHA.

"ssssshhh!" sumenyas samin si Aya dun sa pinto ng kwarto niya. kaya pumasok na kami dun. pero bago pa yun.

"sorry po, Tita!"

"Sweet Dreams! Sleep tight!" dagdag ni Hannah.

"Muaa. Muaa. xoxo! good night!" xoxo eh?! kaartihan ni Yuri eh!

"HINDI BA KAYO TITIGIL?! ANG DAMI NIYO PANG KA-EK-EK-KAN NA NA SWEET DREAMS! SLEEP TIGHT! PWEDE NAMAN GOOD NIGHT LANG! ANO BA YAN?! KA-BV!"

aba! tignan mo tong tandang to. Nakiki-BV siya.

"Ma! Kayo nga po dyan maingay eh! BV? Alam niyo po ba yun??" sabat ni Aya.

ngumite ng nakakaloko yung nanay ni Aya. "Hindi. Nakikita ko kasi lagi yun sa mga status ng mga fan page! Nakalagay, 'ano ba yan?! ang landi ni Tricia Santos! Ka-BV!' Ayun. ano ba meaning nun?"

*Author's Note: Extra si Tricia Santos! HAHA. >:) Sa mga di nakakaalam kung ano yung BV - Bad Vibes. Alright? Back to the story. HAHA! ECHOS lang 'to. May masabi lang! :))

tss. tignan mo tong ina ni Aya! Di naman pala alam ng ibig sabihin ng BV! Hay nako. "Aah. Wag niyo nalang po alamin." humarap si Aya samin. "Tera na mga friendships! Chika galore tayo!! HIHI."

ayun nga nangyari. Nagchika galore kami sa loob. Tinignan kung okay yung sugat ni Aya, okay naman daw siya. Hindi na daw masakit or whatsoever. HAHA. tinanong niya kung ano ginawa namin. Kaya, tinulungan na namin si Aya na gawin yung project na painting. Well you know! THAT'S ARE FRIENDS FOR, TO HELP EACH OTHER. Oh! Bongga yan! HAHA! :))

May 30 minutes pa kami. Kumain na kami kela Aya. Ang sama nga ng lasa eh. Panu ung nanay ni Aya, ang sama ng tingin samin. Tuwing pupunta kami dito laging galit. Parang araw-araw merong dalaw! HAHA!

"Aya, alis na kami." sabi Hannah.

"oo nga, baka malate pa kami. magpapaganda pa ako eh." aish. walang ginawa tong si Yuri kundi magpaganda! HAHA.

"ingat ka palagi Aya! Pagaling."

"Thanks sa inyo.." tapos nalungkot yung mukha ni Aya. lumapit kami sa kanya. "Aya.. Wag mong alahanin yung sa inyo ni Marco.. Wala na kayo.. okay?"

"Oo nga, kami na bahala dun! kami ata yung mga friends mo!" tama si Hannah.

"hindi ka namin iiwan sa ere kahit sugatan na kami!"

tapos nagtinginan kaming apat at sinabing,
"DRAMA!!" tapos tumawa kaming apat.

Library Room

Vacant Time na naman. HAHA. medyo wala na kaming ginagawa kasi magbabakasyon na. Pero isa nalang ang pinag-aabalahan ng mga teachers. yung cultural festival. dun papasok yung mga booths.

biglang kinalibutan ako nung may narinig ako..

"Che.." 

isang taong ayokong makita.. 
isang taong mahal ko pero kailangan bumitaw para sa family ko..

at isang taong nagpasira sa imahe ni Jake..
Anong nangyari?

* FLASH BACK *

Bumalik na kami nila Yuri sa school. At pagdating namin sa room.

"ANO?! DI NGA?! BAKIT NAMAN DAW?! BAKIT GANUN?! IKAW BA TALAGA?! IKAW, SI JAKE ANG GUMAWA NUN?! IMPOSIBLE!" yan. mga words na yan ang paulit ulit na galing sa bibig ng mga kaklase ko.
lumapit kami para makisyosyo. XD

"TEKA NGA! QUIET NGA MUNA!" kahit sumigaw talaga tong si Yuri walang kwenta. HAHA. kaya ang ginawa niya, hinampas niya yung blackboard. Ayun, tumahimik.

"Jake.. Anong kaguluhan meron dito aber??"

"Oo nga! Saglit lang kami nawala kung anu-ano na pinagsasabi netong mga ugok na to!" 

"Jake, anong nangyari?" sa lahat ng mga tanong nila. Akin yung matino. HAHA.


"Madadrop off agad ako."

"HUWAAAAAAAAAT?!" malapit na bakasyon, tapos drop?! EXPEL?!

"oo. expel. bakit? ako DAW kasi yung nagbasag ng mga bintana sa hallway." WATDAHEL?! teka.. bakit may 'DAW?'

"Bakit mo yung ginawa?!"

"hindi naman ako may gawa nun eh! ako pinagbintanggan! pero wala akong ginawa!" it means.. hindi siya. eh sino?

"sino nangbingtang?!" aba tapang neto ni Yuri oh! as if naman kakayanin niya. HAHA.

"Jake, hindi ikaw may gawa nun?"

tumingin ng diretso si Jake sa mga mata ko. Hindi siya may gawa. halata sa mga mata niya na innosente niya. Baka naman.. mga galit kay Jake.. sino ba galit kay Jake?

"Jake. may kaaway ka ba?"

"Hoy Che bakit naman yan ang tanong mo!" aba! wapakels mo ba Hannah?! "BASTA! Jake, meron ba? kung meron, sino??"


"Si Dino lang naman ang kaaway ko di ba?"

* END OF FLASH BACK *

And that's it. Si Dino nga yung may gawa. Pero ang sinisi si Jake. Kaibigan ko si Jake, napalapit siya sakin nung nagbreak kami ni Dino. Kaya naiinis ako sa kanya.

"Kausapin mo naman ak--" pinutol ko na siya agad.

"Ayoko kitang makita. ayokong pakinggan boses mo. ayokong kausapin mga taong tulad mo. ayokong magkaroon ng kaibigan na tulad mo. ayokong magkaroon ng boyfriend na katulad ng ugali mo. napakasama mo. nakakainis ka. nakakaasar. lahat lahat. hindi kana nakakatuwa. dun ka nalang kay Reese. mahal ka pa nun. at pare-pareho kayong dalawa!" tumayo ako para umalis na.

pero hinabol niya ako at hinaawakan ang kamay ko. tinatanggal ko pero ang higpit ng hawak niya.

"HEY! Bitawan mo nga ako! Ayoko sayo! Ayoko sayo! Ayoko!!" tapos binitawan niya ako. Yumuko siya. humarap ako sa kanya.
 
"Magsosorry ka?!" nagnod siya sakin.
 
"DUN KA KAY JAKE MAGSORRY!"

"huh?" inangat niya yung ulo niya. di ba niya gets?!

"MALAKi ang KASALANAN mo kay JAKE. Sa kanya ka MAGSORRY. Nagagalit ako, dahil sayo! Bakit mo ba siya dinamay ha?!"

"gusto mong malaman? Dahil wala akong tiwala dun! Nagseselos ako tuwing magkasama kayo nun! Naiinis ako kasi binebrainwash ka niya! Nagagalit ako sa kanya dahil.. dahil.."

"dahil ano?"


"INAAGAW NIYA SAKIN IKAW!"

lumuhod bigla sa harapan si Dino sakin. "Che.. Mahal na mahal kita. nahihirapan ako kapag nabitawan na kita. Hindi ako makapali. Please.. Give me another chance.. Di ba nga, Love is sweeter on the second time around? Please, gagawin ko ang LAHAT. sorry na sa lahat na nagawa ko. sana patawarin mo naman ako oh!"
Love is sweeter on the second time around.. The first quote I heard from Dino.

"Lahat gagawin mo?" tumingin siya sa mga mata ko.


Yang mga matang yan.. Nakikita kong sincere siya.. 
Nakikita ko na gusto pa niya..
Yang mga matang yan.. Hindi ako makatingin sa iba.. 
Nakikita ko..
Ang dali ko kasing bumigay sa kanya eh..

***

Dino's House

It has been declared. Kami na ulit. Bilis no? HAHA.  Dito ako ngayon sa kwarto niya. Umupo muna ako sa kama habang hinihintay siya.

Tahimik. Malamig. At Padilim na. 

I wonder kung hinahanap na nila ako? Hmm..

"CheLove!" ahihi. Ang sweet ng aking DinoLove oh! :"> Namiss ko yun. Yung tawagan namin. HAHA. May dala-dala siyang inumin. "Thanks, DinoLove!" tapos ngumite siya. Ininum ko naman yung binigay niya.

Nilabas niya yung cellphone niya. "Picture tayo." Tapos tinapat na niya yung camera sa harapan namin.

* CLiCK! *
Tinignan namin yung picture.

"Eh? Haha!"

"Hahaha! Ayos lang yan."

Pano yung picture sakop yung likod. Ang nakuha ata samin is 1/4 lang ata eh? HAHA! Pero maganda din yung picture kasi kitang kita yung langit sa likod oh. Haaaaaay.

Nakangite ako habang tinitignan yun. Tapos si Dino nakatingin sakin. Syaks, nakakailang.

Tumingin tuloy ako sa kanya. "Bakit?"

Ngumite siya. Isang ngiteng nakakatunaw. Waaa. 


He started to approach me. Getting closer and closer.
His lips was touching my neck. Yeah, he's kissing my neck.

Until..

"I'll be gentle.."

We lay down on his soft bed then..



"I love you.."

Thursday, April 22, 2010

Chapter 2

- Che's POV -

After ilang weeks. Napalapit sakin si Dino. Sabi nga nila, parang kami na daw. Pero syempre hindi pa no! Kaya todo deny ako. HAHA. sabi nila bakit hindi ko pa daw sagutin. AISH! hindi sila atat no? BUHAY KO TO EH! NANGINGIELAM SILA! ang saya! XD

Nasa library ulit ako. Binabasa yung favorite kong libro. Naka-20 times na ata akong basa e. HAHA. 

"Che.." lumingon ako kay Dino. May dalang pagkain. inangat niya. Lumabas kami sa library tapos pumunta sa roof top. Dun kami kumain.

"Che.. natutunang mo na ba akong mahalin?" EH?! ano ba naman yang tanong na yan?! AISH!

"Mahal? siguro.. wala pa dun yung nararamdaman ko sayo.. pero.." tumingin siya sakin na tingin na gustong malaman.

"pero?"

"i like you." biglang nababa niya yung fork and spoon niya. at tumingin sakin habang nakangite.

"hoy. natutunaw ako. wag naman ganyan." inalog alog niya ako. "DINO!!" tapos tumigil siya. nakangite pa din. grabe tong makangite, sobra sobra!

"yung ngite mo! anong ibig sabihin niyan??"
"masaya lang ako! masayang masaya!!" aish. ang babaw neto! HAHA.


tapos niyakap niya ako mahigpit. haaaaay.. eto yung yakap na matagal ko na gusto makuha.. galing sa mahal ko. teka, mahal ko na ba talaga siya?


Dismissal


Ihahatid ni Dino ako pauwi. Sabi ko na wag na pero mapilit tsaka daw baka mawala daw ang pinakamamahal niya. WAA! kiligs to the bones ako dun! XD


Hanggang sa kanto lang ako nagpahatid. kasi pagtalagang mismo dun sa bahay namin, baka paslangin si Dino ni Papa. HAHA.


"Dito nalang, Dino. thank you!"
"Your welcome. Ingat ka. Good night!" tapos lumakad nako, tapos siya umalis na.


Habang naglalakad, may nakasalubong akong babae. 

* FLASH BACK *


"Che!! Che!! Picture nung ex ni Dino. dapat maging aware ka!!"


tinignan ko yung picture na galing kay Aya. Grabe, ang taray ng mukha. parang papatayin ka gamit mata. x.x


"Siya si Caprice Soto or Reese. Senior yan, kaya dapat igalang. sabi nga nung mga kakilala ko sa mga 4th yr.. ang laki daw ng galit sayo.. inagaw mo daw kasi si Dino sa kanya. kaya mag-iingat ka!!"

"M-hm." sabi ko habang nakatingin.


* gulp *


ano ba tongpinasukan ko??


* END OF FLASH BACK *


"R-reese?" nagsmirk siya sakin.



- Dino's POV -


habang pauwi.. kinapa ko yung bulsa ko. ibibigay ko ba to? nag-isip isip muna ako kung ibibigay ko to kay Che.

bumalik ako. pumunta ako dun kela Che. Hanggang sa makarating ako sa kanto, sa lugar kung saan ko ihatid si Che. Nakita ko yung bag ni Che nasa kalsada lang. tumakbo ako at hinanap agad siya.


- Che's POV -


hindi ko alam kung nasan ako. hawak hawak ako nung mga lalaki. mga kasama ni Reese. Si Reese, galit na galit sakin. Pinagsasampal sampal ako. Sinabunutan at kung anu-ano pa. Wala akong ginawa kundi umiyak.

"HINDI KA MAKIKIPAGHIWALAY KAY DINO?! HA?!" hindi ako sumagot sa kanya. iyak lang ako ng iyak.


"MAGANDA KA BA?! SEXY KA BA?! HOT KA BA?! ANO BANG MERON KA AT NAGUSTUHAN KA NI DINO?! HA?! BAKIT KA BA NIYA PINATOL?! BAKIT ETO ANG PINALIT NIYA SAKIN?! ISANG PANGET AT WALANG KAKWENTANG KWENTANG BABAE! NAPAKA OLD FASHION MO! BWISIT KA!! PAPATAYIN NA KITA! ARGH!!!" inalog alog niya ako. sabunot, binatukan pa niya ako.

"KAHIT BUONG BUHAY KO PA ANG KAPALIT! WAG LANG IKAW! ANONG GINAWA MO SA KANYA?! HA?! SABIHIN MO NGA?! ANONG GAYUMA GINAMIT MO?! DAHIL SAYO NAKIPAGHIWALAY SIYA SAKIN?! OKAY LANG KUNG MAGBREAK KAMI. PERO IKAW?! SA DINAMING DAMING BABAE SA MUNDO.. BAKIT IKAW PA?! IBIG SABIHIN KALEVEL LANG KITA?! NO WAY!" gigil na gigil siya sakin.

"BOYS! KAYO NA BAHALA DYAN." hinawakan ako ng mahigpit ng mga lalaki. tapos nagtatangkang irape ako. hinuhubaran nila ako pero hinahampas ko sila.


"AAAAAHHH! WAG! PLEASE! WAG PO!"

"ANO?! HINDI KA MAKIKIPAGHIWALAY?! SIGE, PIPIKTURAN KITA AT IPAGKAKALAT KO SA BUONG CAMPUS!" 


yung lalaki dinilaan yung leeg ko. sinipa ko siya. iyak ako ng iyak. hindi ko alam gagawin. patuloy pa din ang pagpicture ni Reese.


"CHE!" nung narinig ko boses niya. nabuhayan ako ng loob.


"DINO!! TULONG!!" biglang nagtago si Reese at binigay yung camera sa isang lalaki. yung mga lalaki patuloy lang sa ginagawa, pinipigilan ko sila. kaya hanggang dila at halik lang sila. 


"WAG NIYONG HAWAKAN ANG CHE KO!" sinuntok ni Dino yung mga lalaki. sinipa, inaapakan, hinampas, siniko at kung anu-ano pang moves sa suntukan. hanggang sa binato ni Dino yung camera at pinagsisipa sipa. durog na durog na nga yung camera e. ako, iyak ng iyak. nilapitan ako ni Dino at hahawakan sana ako pero..


"WAG! ayoko.. please.. maawa kayo.. Mama.. Papa.." natrauma ako. ayoko na. "Che.. ako to.. si Dino.." tumingin ako sa kanya. niyakap ko siya. tapos binigay niya yung jacket niya sakin. tapos dinala niya ako sa kanila.


"Hello! Older sister ako ni Dino, Ate Dina." nagnod lang ako sa kanya. naka upo ako sa kwarto ni Dino. Nakajacket, takot na takot. nanininig. >______< 


hinawakan ako ni Ate Dina sa balikad ko, kaya nagulat ako dahil nga dun sa nangyari. 

"wag mong itago ang nararamdaman mo.. libreng umiyak.. sumigaw.. wag mong ikeep dyan ang hinanakit. dapat nilalabas mo.." ginawa ko naman. umiyak ako. hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko nun. ikaw kaya rape-in. Y.Y kakatakot talaga. 


hindi ko napansin na may sugat ako sa braso. kaya ginamot ni Ate Dina. Ngayon.. kampante nako. pagkatapos gamutin ni Ate Dina yung sugat ko. Biglang pumasok si Dino kasama si Reese. Ang pagkahawak ni Dino kay Reese ay sa buhok at kamay. tapos tinulak niya si Reese papunta dun sa corner. 


tumingin si Dino sakin at nilapitan ako at niyakap. "okay ka lang? nag-alala ako sayo sobra sobra.." oo na. inaamin ko, mahal ko na siya. grabe, first time to ko. na may nag-alala sakin. na may nagtanggol sakin. na gagawin ang lahat para lang walang masamang mangyari sakin. pero heto ako, napakacareless, napakawalang kwenta..


humarap si Dino kay Reese. "ANO BA TONG GINAGAWA MO SA KANYA HA?! TAPOS NA TAYO MATAGAL NA! ANO TO, REVENGE?! PWES, AKO HARAPIN MO! WALA SIYANG KASALANAN! KAHIT MAGPATAYAN TAYO! WAG AKONG PAKIELAM! LUMAYAS KA SA PANINGIN KO!" tapos parang susuntukin ni Dino si Reese pero pinigilan to ni Ate Dina.

"Dino! Walang mangyayari kung susuntukin mo siya.. ako na bahala sa kanya.." lumapit ni Ate Dina kay Reese at tinapat sa kanya yung gunting.

"Ang ganda naman ng buhok mo.. san ka nagpapaayos ng buhok? ang haba, malambot, kulot.. alam mo bang ganyan din yung gusto kong buhok? pero sa tingin ko.. kailangan mo ng konting leksyon.. konti lang.." tapos ngumite si Ate Dina na sarcastic.

---------------------

inuwi ako ni Dino samin. 9 pm na. wala pa ako sa bahay. ngayon pa lang ako uuwi.

"LETLET! ANAK NG TIPAKLONG! ANONG NANGYARI SAYO?! ANONG ORAS NA?! BAKIT NGAYON KA LANG UMUWI?! SAGUTIN MO MGA TANONG KO KUNDI MALALAGOT KA, SIGE!"  

haaaay. isa isa lang Mama. mahina kalaban. "s-sino siya, bunso? boyfriend mo no!" hala. si Ate! hindi pa nga kami e. uhmm.. let's say, dating. XD 


"Mama, Ate.. Sorry kung ngayon lang ako nakauwi.. Tsaka Ate! Kaklase ko lang siya. hinatid niya ko kasi gabi na.."


"Opo. Sorry po talaga. naaksidente po kami sa bike ko po. kaya nagkaroon siya ng sugat sa braso." nagulat bigla silang Mama. KWENTONG BARBERO TO SI DINO! gumagawa ng storya! HAHA! XD


"ANO?! PATINGIN NGA!! NAGAMOT NA BA?! MALALIM BA?! MASAKIT?! MAHAPDI?!" NAKO!! ang Mama ko talaga! kulit kulit! >________<


"Mama.. okay na po ako. ginamot po ng Ate niya sa kanila." tapos nag-ahh lang sila Mama. nagpaalam na si Dino na kailangan na niya umuwi. Kaya umalis na siya. sila Mama, kinukulit pa din ako. tinanong kung kaanu-ano ko siya. tapos kung anong nangyari. kwento ko daw lahat. hay nako! pagod ako Mama! pumunta na ako sa kwarto ko para magpahinga.


- Dino's POV -


hinatid ko na si Che sa kanila. baka huntingin siya ulit ni Reese. Kundi mapapaslang ko talaga yun. HAHA. habang palabas sa gate nila Che ng bahay nila. Nakasalubong ko tatay ni ata..


"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?"
"kaklase po ni Che. hinatid ko po siya.. sige po.."
"aah.. wait lang iho.." kaya tumigil ako.
humarap ako sa kanya, "pumapasok ka ng ganyan buhok mo?" nako, mga matatanda talaga. laging pinapansin buhok ko. na may kulay daw tapos bawal. eh, eto trip ko eh. HAHA. nagnod ako sa kanya.


"ganun ba.. sige, salamat sa paghatid sa anak ko."
"walang anuman po.." basta parang lang kay Che.. gagawin ko lahat ng makakaya ko. o.O


--------------------


- Che's POV -


Pumasok na ako sa classroom. Pagpasok ko, isang bagay ang nakuha ng paningin ko. 


Yung blackboard..


Mga nakasulat:


YOU'RE DEAD CHEVRELOT DEE! I SAW YOU HAVING S*X WITH 4 BOYS. YOUR SUCH AN EWW! BACK OFF! YOU DON'T BELONG TO DINO'S HEART, B*TCH. WHO AM I?? YOU KNOW ME, I'M YOUR NIGHTMARE SIS. YOUR LIFE IS GOING TO BE MISERABLE! DAMN YOU!!!!



Yung second sentence.. having s*x?! THE HELL?! SIYA ANG NAG-UTOS NUN SA MGA LALAKI! tsaka hindi s*x yun! RAPE ANG TAWAG DUN! ul*l. di marunong. ako pa ang b*tch dito?! Nightmare?? Miserable?? Sige, aabangan ko yan. tignan natin kung saan ka makakarating. 



biglang tumakbo papalapit si Aya sakin, "CHE!! lahat ng year at section! nakalagay din yan." ABA, naghahanap talaga to ng gulo ah! eh kung sugurin kita?! ex lang siya! HAY*P SIYA! PAST is PAST! bakit ba ayaw niyang tanggapin yun?! napaka-obssess naman niya kay Dino! ARGH! i hate it!


lumapit ako sa blackboard at binura. biglang dumating si Dino at hinggal na hinggal. "wag kayong maniwala sa mga pinagsusulat ni Reese. puro kasinungalingan lang niya yan. palabas niya lang yan para sumikat siya."


Dismissal


Nilapitan ako ni Jake. "Hey.. ayos ka lang?" nagnod ako sa kanya.


"sigurado ka ba? sa tingin ko, hindi." aish. umiling ako sa kanya tapos umupo. breathe in, breathe out.
"totoo ba yun?" tumingin ako sa kanya. "HINDI! gawa gawa yun ni Reese. walang magawa sa buhay."


"sa tingin ko, kapag kumapit ka pa dyan kay Dino. mas lalong kang mapapahamak.." mapapahamak? napa-isip naman ako sa sinabi ni Jake. Tama siya, sabi nga ni Reese kapag hindi ako makikipaghiwalay kay Dino. gagawa siya ng paraan para lang sirain kami. haaaaay. siguro, hindi talaga ako karapat-dapat para kay Dino. Mahal ko siya, mahal niya din ako.. pero, hindi pa naman kami. pero ang turingan namin kami na. kami na ba talaga?

"HUY! kanina ka pa tulala dyan." NAKO! hindi ko napansin na kasama ko pala si Dino ngayon sa bahay nila! tsk tsk. "sorry naman. HAHA."

"may iniisip ka ba?" tanong niya sakin.. "meron.."
"ano? share mo naman! para di ako OP." loko! OP eh, dalawa lang kami dito.
"tayo ba?" mukhang hindi niya nagets yung tanong ko.
"mahal mo ba ako?" nagnod siya sakin. "oo, higit pa sa buhay ko. ikaw? mahal mo ba ako?"
"oo.. natutunan na kasi kitang mahalin eh.."
"aww.. kinikilig ako!!" aba! parang bakla to eh. HAHA.


"edi.. tayo na?"
"M-hm!" tapos niyakap niya ako. haaaay. eto na naman yung yakap niya. parang katulad din sa langit..


* KRRRRIIIINNNNGGG! *

Ayun, unat unat muna. tapos humarap ako sa salamin. ang ganda ko talaga! HAHA. biglang nagring yung cellphone ko.


Calling ..DinoLove'<3

"Hello?"
"Good Morning, CheLove!"
"Ahihi. Morning din, DinoLove.."
"Ah, buksan mo yung bintana mo tapos tingin ka sa langit. promise, ang ganda." ginawa ko naman yung sinabi niya.
"Oo nga, ang ganda.."
"Tingin ka sa baba!" eh? tumingin naman ako sa baba.


Ayun, nakita ko siya nakaway. Nakasakay sa bike niya.


Hinatid niya ako papunta sa school. Pumunta muna kami sa lockers at nakita namin yung dalawang love birds. HAHA. si Aya tsaka si Marco.

"Sige, Babe. Una nako, mamaya okay?" tapos nagkiss yung dalawa sa unahan namin! OH MY! O____O as in, lips to lips. err~


"CheLove! Una na din ako. babye! i love you!!" nagwave lang siya sakin. okay na yun, kesa naman sa kiss. >____<


Kami naman ni Aya lumakad na. "Che.. kayo na no?" sinabi ko kay Aya na oo. "WAA! edi nagkiss na kayo??" 

"hindi pa no. ayoko nga. HAHA."

"aish! arte neto. anyway, yung kaklase nila Marco.. si Cedric, nililigawan niya si Hannah tsaka si Yuri!!" HA?! bakit dalawa?! "okay lang daw kay Hannah na nililigawan ni Cedric si Yuri. ganun din si Yuri, so magkasundo sila." grabe, basta gwapo eh. HAHA.
"ganun? baka naman mag-away yung dalawa dahil kay Cedric."
"hay nako, playboy kaya yan si Cedric. 2 days relationship lang kaya yan." 2 days?!

reaction ko :

O_________________________O


"OO. 2 days lang. TWO DAYS. shocking no?" nagnod ako kay Aya. "playboy eh. anong magagawa natin dun?" grabe, 2 days?! di ako makapaniwala. ang over naman niya!


Lunch Break


"Hi Che!" oh, si Jake. gwapo eh, sana siya nalang yung nagkiss sakin noon. WAA! ano ba tong iniisip ko?! kami na ni Dino.. oh well, crush ko naman siya eh. HAHA.


"Hello Jake!" lumapit siya sakin. "Ano plano mo?" tinilt ko ulo ko paright. ano daw? tapos binigyan ko siya na ano-ba-sinasabi-mo-dyan-ha? na look. HAHA.

"Plano.. yung kay.. Reese." aah.. kala ko kung ano. HAHA.
"yun ba? wala."
"wala? sabi niya kaya, sisirain niya buhay mo." so?
"ayos lang yun.. mahal ko si Dino, kaya hindi ko kayang makipaghiwalay sa kanya." totoo yan! PROMISE!


yung mukha ni Jake malungkot.. parang sinasabi na, 'sana ako nalang..' yun parang ganyan. pero di ako sure!


- Jake's POV -


haaaay. mahal na nga niya. sa tingin ko, kailangan ko nang kumapit at um-oo sa deal ni Reese..

* FLASH BACK *

"Jake.. Mahal mo si Che di ba?"
"Oo naman. Bakit?" ngumite siya na pangdemonyo.
"Pwes, pumayag ka sa deal ko. Madali lang naman.."
"Ano?" lumapit siya sakin. face to face. "Brainwash mo siya, sabihin mo sa kanya na sisirain ko buhay niya kapag hindi siya nakipaghiwalay kay Dino."
"Yun lang ba? pag-iisipan ko muna.."

nagsmirk siya, "kapag nakipaghiwalay na siya kay Dino, pwede mo na siyang kunin."
"anong gagawin mo?"
"sasabihin ko kay Dino na buntis ako at siya ang ama.." nagulat ako sa sinabi niya.
"bakit? may nangyari ba sa inyo?" tumawa lang siya.
"lasing siya nun.  mahal na mahal ko siya. sinayawan ko lang siya na nakatupis ako. kaya hindi niya alam na ako yun. at hindi niya alam na may nangyari.. pero, hindi talaga ako buntis. show lang, sasabihin ko na may nangyari kahit wala.." grabe to, demonita. HAHA.
"okay. tetext nalang kita kapag pumayag ako. kakausapin ko muna si Che."

"oh, sige. sana pumayag ka sa deal ko. babye~"


* END OF FLASH BACK *


"Oh sige, Che. alis nako. kakain nako sa canteen."
"okay!" tetext ko na si Reese. 


Habang nagtetext nakasalubong ko si Reese. Tinaas niya kilay niya.


"Ano?" taray talaga neto eh.
"Tetext sana kita eh. nandyan ka na, so ika-cancel ko na to." ayun nga, ginawa ko.
"Payag ka ba?" sabi na nga ba eh, tatanungin niya kung payag
"Ano sa tingin mo?"
"Oo?" nagnod ako sa kanya tapos ngumite. nilapitan niya ako, face to face.


"let's do this as a team. my trust is in you." tapos umalis na siya. ganun ba siya kapursigido? aish!


- Che's POV -

Dismissal

Nilapitan na naman ako ni Jake. Aba, lagi tong lumalapit sakin. Siguro may pagnanasa to sakin. HAHA.


"Bakit Jake?"
"Binigyan ako ng threat ni Reese. Sabi niya, kapag hindi ka daw makipaghiwalay kay Dino.. pati pamilya mo daw madadamay." bakit pati sila Mama kasama?! ano bang problema niya?!
"hinintay niya yung sagot mo, dito isulat mo." pinakita niya sakin yung papel. Hindi ko alam ang gagawin ko. napaka-obsess naman niya. "ano?"


hindi ko alam, hindi ko alam. tama nga si Jake.. makipaghiwalay na ko kay Dino. ayoko pati sila Mama madadamay. hindi pwede to.. kinuha ko yung papel at nilagay ko yung sagot ko.


Dumating bigla si Dino para ihatid ako. "Che.. bakit kasama mo yang lalaking yan?" tinuro niya si Jake.
"Bakit? Sinabi ko lang sa kanya na makipaghiwalay na sayo kasi si Reese, sisirain ang buhay niya pati yung pamilya niya dahil SAYO." talagang i-emphasize ni Jake yung word na sayo. 


Tumingin si Dino sakin. "Totoo ba sinasabi niya? Makikipaghiwalay ka na sakin?" hindi ko kaya. pero kailangan..










"Oo. gusto ko na makipagbreak. ayokong masaktan sila Mama, Papa at Ate. Ayoko. Kaya, itigil na natin to.."