Tuesday, May 4, 2010

Chapter 3


- Dino's POV -

 8:30 pm
School

Gabi na. Madilim na. Wala nang tao. At nasa school pa din ako. Bakit? Ilalabas ko galit ko. LAHAT ng hinanakit na nakatago sa puso ko, sa dibdib ko.

May dala akong baseball bat na nakuha ko sa locker room ng mga players ng baseball. Pumunta ako sa hallway. At pinagbabasag ko yung mga bintana sa hallway. Pinaghahampas ko lahat ng mga bintana. Nilalabas ko ang gigil ko kay Reese at Jake. Nilalabas ko ang galit ko kay Reese. Nilalabas ko ang pagkatanga ko kay Che dahil wala akong nagawa. Oo, ako na bakla. Ako na bading. Hindi ko siya protektahan. Pero ayun ang desisyon niya. Hindi ko matanggap.. Hindi..

"WALANGYA KA REESE! MGA TAONG TULAD MO PINAPATAY! MGA WALANG MAGAWA SA BUHAY!! H*Y*P KA!!" sabay hampas sa bintana.

"IKAW JAKE! KUNG ANU-ANO SINASABI MO KAY CHE! PALIBHASA MAY GUSTO KA DUN! PERO AKO ANG MAHAL NIYA! AKO!  

"BWISIT!" kumukulo yung dugo ko. "IKAW CHE! MAHAL NA MAHAL KITA! NOON PALANG! MAHAL MO KO! BAKIT MO PA AKO PINAKAWALAN?! ANG TANGA MO! DAHIL AYAW MONG MADAMAY PAMILYA MO?! POPROTEKTAHAN KO NAMAN SILA AH! ARRRRGGGGHHHHHHHHHHH!"

- Che's POV -

Wala na nga kami ni Dino. Hindi niya ako hinatid or sinundo stuffs na ginagawa niya palagi. So, habang naglalakad ako papuntang room. Mga nagkakagulo yung mga estudyante. Mga pumupunta sa hallway.

"Che! Che!" hinanap ko kung sino natawag. Si Yuri.

"Yuri! *waves* anong nangyayari?" 

"basag basag yung mga bintana dun sa hallway! nakakatakot ngang dumaan eh!" ano daw?! sino kaya may gawa nun??

"kinakausap na nung Counselor isa isa yung mga teachers ngayon. para tanungin yung mga estudyante kung sino may gawa.." tsk tsk. ano ba tong nangyayari sa school. Nakakatakot.

"AAARAYYY!" huh?

nagkatitiggan kami ni Yuri. "boses ni Aya!" tumakbo na kami papunta sa hallway. puro dugo-dugo yung tuhod ni Aya.

"Aya!! Anong nangyari sayo?!" umiiyak si Aya nun. SYAKS! dugo. kaderder. >___<

"*sniff* may tumulak sakin eh.. *sniff*" ARGH! ang kinis at ganda pa man din legs nito ni Aya. Ayan tuloy! DAMAGE na! panget na tuloy.. tsk tsk. "sino?! sino tumulak sayo?! reresbakan ko!" tapang nito ni Yuri. HAHA.


"AKO. may angal?" tumingin kami dun sa nagsalita.

isa sa mga alipores ni Reese.

"bakit mo siya tinulak ha?!" grabe, tapang neto ni Yuri.

"Nararapat lang yan sa kanya. Inaagaw niya sakin si Marco my love! ANG PANGET MO NAMAN! wala ka sa kinikilingan ko!" sabay taas ng kilay niya. 

yung mga estudyante nakapalibot lang samin.
"inaagaw?! mahal nila ang isa't isa! sila na nga eh!" true yun!

"baka naman, isa ka sa mga feelingera?" banat ko. HAHA. ano ka ngayon?

"feelingera? tch. nakakatawa kayo. mahal nila ang isa't  isa? eh bat ganto? ako pinili niya. may nangyari na nga samin eh. ilang beses nga ba? lima? or anim? hindi ko na matandaan kung ilan na." tapos ngumite siya ng evil smile. parehas lang sila ni Reese. KAASAR!

"Yuri! Che! Aya! Anong meron?!" ayun! dumating din si Hannah. Tumingin siya dun sa alipores ni Reese.

"At sino ka naman?" TARAY!! :))

"Ako? ako lang naman ang TUNAY at MAHAL na girlfriend-- ASAWA ni MARCO. palag? wag ka na lalapit dun! Kundi, mamamatay ka." tapos umalis na yung bruha.

"IKAW ANG MAMAMATAY! PANGET MO! BOBA!" tapos tinaas lang niya yung middle finger niya habang nakatalikod samin naglalakad.


"Tara Aya, punta tayo sa clinic. Para magamot yang sugat mo." tumango lang si Aya.
Habang naglalakad papunta dun sa clinic nakasalubong namin si Marco kasama si Cedric.

"Oh?! Anong nangyari sa kanya?!" tano
ng ni Marco.
"It's none of your business, Marco." sabi ni Yuri. 

"Bakit ka pa nag-aalala? Hindi mo naman siya mahal! Iba yung mahal mo. Niloko mo lang kami.. Lalo na si Aya!"

"Hindi ako makapaniwala na mas pinili mo yun kesa kay Aya?!"

Parang hindi naintindihan ni Marco yung pinagsasabi namin.
"Ha?! Ano ba pinagsasabi niyo?! Siya ang mahal ko. Wala nang iba. Aya, ano ba nangyari?! Bakit may sugat ka?!"

"WAG MO KONG KAKAUSAPIN! TANUNGIN MO YUNG ASAWA MO! BWISIT!" iniwan na namin si Marco dun. Si Cedric, binuhat si Aya. Kasi nahihirapan kami.

- Dino's POV -

Pumunta ako sa Office. Para pag-usapan tungkol sa mga basag na basag na bintana. Nag-usap kami nung Counselor at pinatawag si Jake.
 
Lagot ka. Patay ka. It's my turn. >:)

- Che's POV -

During Art Class

Magpaint daw kami ng isang memory na hindi namin makakalimutan. Wala pa akong naiisip. Tinanong ko sila Hannah.

"Nah, may naisip ka na?"

"M-hm! Yung dinate ako ni Cedric sa Town." ooh~ ang cute naman nun. "ikaw Yuri?"

"Eh? Yung pumunta kami ni Migs sa Central Park." Pwede. Si Migs, siya yung naging ka-fling ni Migs nung Christmas Break.

Anyway, 2 weeks nalang bakasyon na. Ang bilis. Si Aya, pinauwi kasi hindi talaga siya makalakad ng maayos. 

"Ms. Dee, wala ka pang nagagawa? You only have 15 minutes left.." WAA?! 15 minutes nalang?! Edi 45 minutes nako nag-iisip?! WAAA!

"sorry po!" kinuha ko na yung paintbrush. Kahit ano nalang! Bahala na.
Habang nagpepaint, biglang tumunog yung PA.

"May I request Mr. Jake Lee, 3rd Yr. - A to go to the office right now. No excuses. Again, may I request Mr. Jake Lee, 3rd Yr. - A to go to the office right now. No excuses. Please."

Nako, office?! LAGOOOOOT! HAHA. Pumayag naman si Ma'am kaya nakalabas si Jake.

* KRIIIINNGGG! *

WAAAA?! TIME NA?! HINDI PA KO TAPOS!!

"Okay class. Mukhang hindi niyo pa tapos, so bukas. Exactly 8:30 am dapat na sakin na yang mga paintings niyo. Understand?" Whew!

"Yes Ma'am." tapos tumayo na kami.

"Well then. Good Bye Class."

"Good Bye and thank you Ma'am Santos." inayos na namin yung mga kalat at paintings namin.
Tumingin ulit ako sa ginawa ko. Ang gaan sa pakiramdam.. Naalala ko tuloy ulit..

"Friendship! Bakit ka nakangite?" sabi ni Yuri.

"Oo nga! Parang kang baliw. HAHA!" waaa~ naman kasi tong si Hannah eh! Lahat nalang pinapansin. Y.Y

"ha? Ako? nakangite? hindi ah. baka kayo nababaliw."

"wushu! deny pa to. kitang kita namin nu!" kailangan kong gumawa ng topic.

"bisitahin natin si Aya! TARA!" sabay hila ko sa kanilang dalawa. Mukhang effective. HAHA.
Pumunta kami sa bahay ni Aya, break time namin for 1 hour tapos wala pa daw yung teacher namin sa Advanced Trigo. So, 2 hours ang break time namin! WOHOO! ang saya naman ng high school life oh! HAHA. 

Aya's House

"AYAAAAAAAAAA!" sigaww. XD

"ANAK NG TOKWA'T BABOY NAMAN OH! ANG INGAY INGAY NIYO! NATUTULOG AKO EH!"

uh-oh. nagising ata namin ang ina ni Aya. HAHA.

"ssssshhh!" sumenyas samin si Aya dun sa pinto ng kwarto niya. kaya pumasok na kami dun. pero bago pa yun.

"sorry po, Tita!"

"Sweet Dreams! Sleep tight!" dagdag ni Hannah.

"Muaa. Muaa. xoxo! good night!" xoxo eh?! kaartihan ni Yuri eh!

"HINDI BA KAYO TITIGIL?! ANG DAMI NIYO PANG KA-EK-EK-KAN NA NA SWEET DREAMS! SLEEP TIGHT! PWEDE NAMAN GOOD NIGHT LANG! ANO BA YAN?! KA-BV!"

aba! tignan mo tong tandang to. Nakiki-BV siya.

"Ma! Kayo nga po dyan maingay eh! BV? Alam niyo po ba yun??" sabat ni Aya.

ngumite ng nakakaloko yung nanay ni Aya. "Hindi. Nakikita ko kasi lagi yun sa mga status ng mga fan page! Nakalagay, 'ano ba yan?! ang landi ni Tricia Santos! Ka-BV!' Ayun. ano ba meaning nun?"

*Author's Note: Extra si Tricia Santos! HAHA. >:) Sa mga di nakakaalam kung ano yung BV - Bad Vibes. Alright? Back to the story. HAHA! ECHOS lang 'to. May masabi lang! :))

tss. tignan mo tong ina ni Aya! Di naman pala alam ng ibig sabihin ng BV! Hay nako. "Aah. Wag niyo nalang po alamin." humarap si Aya samin. "Tera na mga friendships! Chika galore tayo!! HIHI."

ayun nga nangyari. Nagchika galore kami sa loob. Tinignan kung okay yung sugat ni Aya, okay naman daw siya. Hindi na daw masakit or whatsoever. HAHA. tinanong niya kung ano ginawa namin. Kaya, tinulungan na namin si Aya na gawin yung project na painting. Well you know! THAT'S ARE FRIENDS FOR, TO HELP EACH OTHER. Oh! Bongga yan! HAHA! :))

May 30 minutes pa kami. Kumain na kami kela Aya. Ang sama nga ng lasa eh. Panu ung nanay ni Aya, ang sama ng tingin samin. Tuwing pupunta kami dito laging galit. Parang araw-araw merong dalaw! HAHA!

"Aya, alis na kami." sabi Hannah.

"oo nga, baka malate pa kami. magpapaganda pa ako eh." aish. walang ginawa tong si Yuri kundi magpaganda! HAHA.

"ingat ka palagi Aya! Pagaling."

"Thanks sa inyo.." tapos nalungkot yung mukha ni Aya. lumapit kami sa kanya. "Aya.. Wag mong alahanin yung sa inyo ni Marco.. Wala na kayo.. okay?"

"Oo nga, kami na bahala dun! kami ata yung mga friends mo!" tama si Hannah.

"hindi ka namin iiwan sa ere kahit sugatan na kami!"

tapos nagtinginan kaming apat at sinabing,
"DRAMA!!" tapos tumawa kaming apat.

Library Room

Vacant Time na naman. HAHA. medyo wala na kaming ginagawa kasi magbabakasyon na. Pero isa nalang ang pinag-aabalahan ng mga teachers. yung cultural festival. dun papasok yung mga booths.

biglang kinalibutan ako nung may narinig ako..

"Che.." 

isang taong ayokong makita.. 
isang taong mahal ko pero kailangan bumitaw para sa family ko..

at isang taong nagpasira sa imahe ni Jake..
Anong nangyari?

* FLASH BACK *

Bumalik na kami nila Yuri sa school. At pagdating namin sa room.

"ANO?! DI NGA?! BAKIT NAMAN DAW?! BAKIT GANUN?! IKAW BA TALAGA?! IKAW, SI JAKE ANG GUMAWA NUN?! IMPOSIBLE!" yan. mga words na yan ang paulit ulit na galing sa bibig ng mga kaklase ko.
lumapit kami para makisyosyo. XD

"TEKA NGA! QUIET NGA MUNA!" kahit sumigaw talaga tong si Yuri walang kwenta. HAHA. kaya ang ginawa niya, hinampas niya yung blackboard. Ayun, tumahimik.

"Jake.. Anong kaguluhan meron dito aber??"

"Oo nga! Saglit lang kami nawala kung anu-ano na pinagsasabi netong mga ugok na to!" 

"Jake, anong nangyari?" sa lahat ng mga tanong nila. Akin yung matino. HAHA.


"Madadrop off agad ako."

"HUWAAAAAAAAAT?!" malapit na bakasyon, tapos drop?! EXPEL?!

"oo. expel. bakit? ako DAW kasi yung nagbasag ng mga bintana sa hallway." WATDAHEL?! teka.. bakit may 'DAW?'

"Bakit mo yung ginawa?!"

"hindi naman ako may gawa nun eh! ako pinagbintanggan! pero wala akong ginawa!" it means.. hindi siya. eh sino?

"sino nangbingtang?!" aba tapang neto ni Yuri oh! as if naman kakayanin niya. HAHA.

"Jake, hindi ikaw may gawa nun?"

tumingin ng diretso si Jake sa mga mata ko. Hindi siya may gawa. halata sa mga mata niya na innosente niya. Baka naman.. mga galit kay Jake.. sino ba galit kay Jake?

"Jake. may kaaway ka ba?"

"Hoy Che bakit naman yan ang tanong mo!" aba! wapakels mo ba Hannah?! "BASTA! Jake, meron ba? kung meron, sino??"


"Si Dino lang naman ang kaaway ko di ba?"

* END OF FLASH BACK *

And that's it. Si Dino nga yung may gawa. Pero ang sinisi si Jake. Kaibigan ko si Jake, napalapit siya sakin nung nagbreak kami ni Dino. Kaya naiinis ako sa kanya.

"Kausapin mo naman ak--" pinutol ko na siya agad.

"Ayoko kitang makita. ayokong pakinggan boses mo. ayokong kausapin mga taong tulad mo. ayokong magkaroon ng kaibigan na tulad mo. ayokong magkaroon ng boyfriend na katulad ng ugali mo. napakasama mo. nakakainis ka. nakakaasar. lahat lahat. hindi kana nakakatuwa. dun ka nalang kay Reese. mahal ka pa nun. at pare-pareho kayong dalawa!" tumayo ako para umalis na.

pero hinabol niya ako at hinaawakan ang kamay ko. tinatanggal ko pero ang higpit ng hawak niya.

"HEY! Bitawan mo nga ako! Ayoko sayo! Ayoko sayo! Ayoko!!" tapos binitawan niya ako. Yumuko siya. humarap ako sa kanya.
 
"Magsosorry ka?!" nagnod siya sakin.
 
"DUN KA KAY JAKE MAGSORRY!"

"huh?" inangat niya yung ulo niya. di ba niya gets?!

"MALAKi ang KASALANAN mo kay JAKE. Sa kanya ka MAGSORRY. Nagagalit ako, dahil sayo! Bakit mo ba siya dinamay ha?!"

"gusto mong malaman? Dahil wala akong tiwala dun! Nagseselos ako tuwing magkasama kayo nun! Naiinis ako kasi binebrainwash ka niya! Nagagalit ako sa kanya dahil.. dahil.."

"dahil ano?"


"INAAGAW NIYA SAKIN IKAW!"

lumuhod bigla sa harapan si Dino sakin. "Che.. Mahal na mahal kita. nahihirapan ako kapag nabitawan na kita. Hindi ako makapali. Please.. Give me another chance.. Di ba nga, Love is sweeter on the second time around? Please, gagawin ko ang LAHAT. sorry na sa lahat na nagawa ko. sana patawarin mo naman ako oh!"
Love is sweeter on the second time around.. The first quote I heard from Dino.

"Lahat gagawin mo?" tumingin siya sa mga mata ko.


Yang mga matang yan.. Nakikita kong sincere siya.. 
Nakikita ko na gusto pa niya..
Yang mga matang yan.. Hindi ako makatingin sa iba.. 
Nakikita ko..
Ang dali ko kasing bumigay sa kanya eh..

***

Dino's House

It has been declared. Kami na ulit. Bilis no? HAHA.  Dito ako ngayon sa kwarto niya. Umupo muna ako sa kama habang hinihintay siya.

Tahimik. Malamig. At Padilim na. 

I wonder kung hinahanap na nila ako? Hmm..

"CheLove!" ahihi. Ang sweet ng aking DinoLove oh! :"> Namiss ko yun. Yung tawagan namin. HAHA. May dala-dala siyang inumin. "Thanks, DinoLove!" tapos ngumite siya. Ininum ko naman yung binigay niya.

Nilabas niya yung cellphone niya. "Picture tayo." Tapos tinapat na niya yung camera sa harapan namin.

* CLiCK! *
Tinignan namin yung picture.

"Eh? Haha!"

"Hahaha! Ayos lang yan."

Pano yung picture sakop yung likod. Ang nakuha ata samin is 1/4 lang ata eh? HAHA! Pero maganda din yung picture kasi kitang kita yung langit sa likod oh. Haaaaaay.

Nakangite ako habang tinitignan yun. Tapos si Dino nakatingin sakin. Syaks, nakakailang.

Tumingin tuloy ako sa kanya. "Bakit?"

Ngumite siya. Isang ngiteng nakakatunaw. Waaa. 


He started to approach me. Getting closer and closer.
His lips was touching my neck. Yeah, he's kissing my neck.

Until..

"I'll be gentle.."

We lay down on his soft bed then..



"I love you.."

No comments:

Post a Comment