After ilang weeks. Napalapit sakin si Dino. Sabi nga nila, parang kami na daw. Pero syempre hindi pa no! Kaya todo deny ako. HAHA. sabi nila bakit hindi ko pa daw sagutin. AISH! hindi sila atat no? BUHAY KO TO EH! NANGINGIELAM SILA! ang saya! XD
Nasa library ulit ako. Binabasa yung favorite kong libro. Naka-20 times na ata akong basa e. HAHA.
"Che.." lumingon ako kay Dino. May dalang pagkain. inangat niya. Lumabas kami sa library tapos pumunta sa roof top. Dun kami kumain.
"Che.. natutunang mo na ba akong mahalin?" EH?! ano ba naman yang tanong na yan?! AISH!
"Mahal? siguro.. wala pa dun yung nararamdaman ko sayo.. pero.." tumingin siya sakin na tingin na gustong malaman.
"pero?"
"i like you." biglang nababa niya yung fork and spoon niya. at tumingin sakin habang nakangite."hoy. natutunaw ako. wag naman ganyan." inalog alog niya ako. "DINO!!" tapos tumigil siya. nakangite pa din. grabe tong makangite, sobra sobra!
"yung ngite mo! anong ibig sabihin niyan??"
"masaya lang ako! masayang masaya!!" aish. ang babaw neto! HAHA.tapos niyakap niya ako mahigpit. haaaaay.. eto yung yakap na matagal ko na gusto makuha.. galing sa mahal ko. teka, mahal ko na ba talaga siya?
Dismissal
Ihahatid ni Dino ako pauwi. Sabi ko na wag na pero mapilit tsaka daw baka mawala daw ang pinakamamahal niya. WAA! kiligs to the bones ako dun! XD
Hanggang sa kanto lang ako nagpahatid. kasi pagtalagang mismo dun sa bahay namin, baka paslangin si Dino ni Papa. HAHA.
"Dito nalang, Dino. thank you!"
"Your welcome. Ingat ka. Good night!" tapos lumakad nako, tapos siya umalis na.Habang naglalakad, may nakasalubong akong babae.
* FLASH BACK *
"Che!! Che!! Picture nung ex ni Dino. dapat maging aware ka!!"
tinignan ko yung picture na galing kay Aya. Grabe, ang taray ng mukha. parang papatayin ka gamit mata. x.x
"Siya si Caprice Soto or Reese. Senior yan, kaya dapat igalang. sabi nga nung mga kakilala ko sa mga 4th yr.. ang laki daw ng galit sayo.. inagaw mo daw kasi si Dino sa kanya. kaya mag-iingat ka!!"
"M-hm." sabi ko habang nakatingin.
* gulp *
ano ba tongpinasukan ko??
* END OF FLASH BACK *
"R-reese?" nagsmirk siya sakin.
- Dino's POV -
habang pauwi.. kinapa ko yung bulsa ko. ibibigay ko ba to? nag-isip isip muna ako kung ibibigay ko to kay Che.
bumalik ako. pumunta ako dun kela Che. Hanggang sa makarating ako sa kanto, sa lugar kung saan ko ihatid si Che. Nakita ko yung bag ni Che nasa kalsada lang. tumakbo ako at hinanap agad siya.
- Che's POV -
hindi ko alam kung nasan ako. hawak hawak ako nung mga lalaki. mga kasama ni Reese. Si Reese, galit na galit sakin. Pinagsasampal sampal ako. Sinabunutan at kung anu-ano pa. Wala akong ginawa kundi umiyak.
"MAGANDA KA BA?! SEXY KA BA?! HOT KA BA?! ANO BANG MERON KA AT NAGUSTUHAN KA NI DINO?! HA?! BAKIT KA BA NIYA PINATOL?! BAKIT ETO ANG PINALIT NIYA SAKIN?! ISANG PANGET AT WALANG KAKWENTANG KWENTANG BABAE! NAPAKA OLD FASHION MO! BWISIT KA!! PAPATAYIN NA KITA! ARGH!!!" inalog alog niya ako. sabunot, binatukan pa niya ako.
"AAAAAHHH! WAG! PLEASE! WAG PO!"
"ANO?! HINDI KA MAKIKIPAGHIWALAY?! SIGE, PIPIKTURAN KITA AT IPAGKAKALAT KO SA BUONG CAMPUS!"
yung lalaki dinilaan yung leeg ko. sinipa ko siya. iyak ako ng iyak. hindi ko alam gagawin. patuloy pa din ang pagpicture ni Reese.
"CHE!" nung narinig ko boses niya. nabuhayan ako ng loob.
"DINO!! TULONG!!" biglang nagtago si Reese at binigay yung camera sa isang lalaki. yung mga lalaki patuloy lang sa ginagawa, pinipigilan ko sila. kaya hanggang dila at halik lang sila.
"WAG NIYONG HAWAKAN ANG CHE KO!" sinuntok ni Dino yung mga lalaki. sinipa, inaapakan, hinampas, siniko at kung anu-ano pang moves sa suntukan. hanggang sa binato ni Dino yung camera at pinagsisipa sipa. durog na durog na nga yung camera e. ako, iyak ng iyak. nilapitan ako ni Dino at hahawakan sana ako pero..
"WAG! ayoko.. please.. maawa kayo.. Mama.. Papa.." natrauma ako. ayoko na. "Che.. ako to.. si Dino.." tumingin ako sa kanya. niyakap ko siya. tapos binigay niya yung jacket niya sakin. tapos dinala niya ako sa kanila.
"Hello! Older sister ako ni Dino, Ate Dina." nagnod lang ako sa kanya. naka upo ako sa kwarto ni Dino. Nakajacket, takot na takot. nanininig. >______<
hinawakan ako ni Ate Dina sa balikad ko, kaya nagulat ako dahil nga dun sa nangyari.
hindi ko napansin na may sugat ako sa braso. kaya ginamot ni Ate Dina. Ngayon.. kampante nako. pagkatapos gamutin ni Ate Dina yung sugat ko. Biglang pumasok si Dino kasama si Reese. Ang pagkahawak ni Dino kay Reese ay sa buhok at kamay. tapos tinulak niya si Reese papunta dun sa corner.
tumingin si Dino sakin at nilapitan ako at niyakap. "okay ka lang? nag-alala ako sayo sobra sobra.." oo na. inaamin ko, mahal ko na siya. grabe, first time to ko. na may nag-alala sakin. na may nagtanggol sakin. na gagawin ang lahat para lang walang masamang mangyari sakin. pero heto ako, napakacareless, napakawalang kwenta..
humarap si Dino kay Reese. "ANO BA TONG GINAGAWA MO SA KANYA HA?! TAPOS NA TAYO MATAGAL NA! ANO TO, REVENGE?! PWES, AKO HARAPIN MO! WALA SIYANG KASALANAN! KAHIT MAGPATAYAN TAYO! WAG AKONG PAKIELAM! LUMAYAS KA SA PANINGIN KO!" tapos parang susuntukin ni Dino si Reese pero pinigilan to ni Ate Dina.
"Dino! Walang mangyayari kung susuntukin mo siya.. ako na bahala sa kanya.." lumapit ni Ate Dina kay Reese at tinapat sa kanya yung gunting.
---------------------
"LETLET! ANAK NG TIPAKLONG! ANONG NANGYARI SAYO?! ANONG ORAS NA?! BAKIT NGAYON KA LANG UMUWI?! SAGUTIN MO MGA TANONG KO KUNDI MALALAGOT KA, SIGE!"
haaaay. isa isa lang Mama. mahina kalaban. "s-sino siya, bunso? boyfriend mo no!" hala. si Ate! hindi pa nga kami e. uhmm.. let's say, dating. XD
"Mama, Ate.. Sorry kung ngayon lang ako nakauwi.. Tsaka Ate! Kaklase ko lang siya. hinatid niya ko kasi gabi na.."
"Opo. Sorry po talaga. naaksidente po kami sa bike ko po. kaya nagkaroon siya ng sugat sa braso." nagulat bigla silang Mama. KWENTONG BARBERO TO SI DINO! gumagawa ng storya! HAHA! XD
"ANO?! PATINGIN NGA!! NAGAMOT NA BA?! MALALIM BA?! MASAKIT?! MAHAPDI?!" NAKO!! ang Mama ko talaga! kulit kulit! >________<
"Mama.. okay na po ako. ginamot po ng Ate niya sa kanila." tapos nag-ahh lang sila Mama. nagpaalam na si Dino na kailangan na niya umuwi. Kaya umalis na siya. sila Mama, kinukulit pa din ako. tinanong kung kaanu-ano ko siya. tapos kung anong nangyari. kwento ko daw lahat. hay nako! pagod ako Mama! pumunta na ako sa kwarto ko para magpahinga.
- Dino's POV -
hinatid ko na si Che sa kanila. baka huntingin siya ulit ni Reese. Kundi mapapaslang ko talaga yun. HAHA. habang palabas sa gate nila Che ng bahay nila. Nakasalubong ko tatay ni ata..
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?"
"kaklase po ni Che. hinatid ko po siya.. sige po.."
"aah.. wait lang iho.." kaya tumigil ako.humarap ako sa kanya, "pumapasok ka ng ganyan buhok mo?" nako, mga matatanda talaga. laging pinapansin buhok ko. na may kulay daw tapos bawal. eh, eto trip ko eh. HAHA. nagnod ako sa kanya.
"ganun ba.. sige, salamat sa paghatid sa anak ko."
"walang anuman po.." basta parang lang kay Che.. gagawin ko lahat ng makakaya ko. o.O--------------------
- Che's POV -
Pumasok na ako sa classroom. Pagpasok ko, isang bagay ang nakuha ng paningin ko.
Yung blackboard..
Mga nakasulat:
YOU'RE DEAD CHEVRELOT DEE! I SAW YOU HAVING S*X WITH 4 BOYS. YOUR SUCH AN EWW! BACK OFF! YOU DON'T BELONG TO DINO'S HEART, B*TCH. WHO AM I?? YOU KNOW ME, I'M YOUR NIGHTMARE SIS. YOUR LIFE IS GOING TO BE MISERABLE! DAMN YOU!!!!
Yung second sentence.. having s*x?! THE HELL?! SIYA ANG NAG-UTOS NUN SA MGA LALAKI! tsaka hindi s*x yun! RAPE ANG TAWAG DUN! ul*l. di marunong. ako pa ang b*tch dito?! Nightmare?? Miserable?? Sige, aabangan ko yan. tignan natin kung saan ka makakarating.
biglang tumakbo papalapit si Aya sakin, "CHE!! lahat ng year at section! nakalagay din yan." ABA, naghahanap talaga to ng gulo ah! eh kung sugurin kita?! ex lang siya! HAY*P SIYA! PAST is PAST! bakit ba ayaw niyang tanggapin yun?! napaka-obssess naman niya kay Dino! ARGH! i hate it!
lumapit ako sa blackboard at binura. biglang dumating si Dino at hinggal na hinggal. "wag kayong maniwala sa mga pinagsusulat ni Reese. puro kasinungalingan lang niya yan. palabas niya lang yan para sumikat siya."
Dismissal
Nilapitan ako ni Jake. "Hey.. ayos ka lang?" nagnod ako sa kanya.
"sigurado ka ba? sa tingin ko, hindi." aish. umiling ako sa kanya tapos umupo. breathe in, breathe out.
"totoo ba yun?" tumingin ako sa kanya. "HINDI! gawa gawa yun ni Reese. walang magawa sa buhay."
"sa tingin ko, kapag kumapit ka pa dyan kay Dino. mas lalong kang mapapahamak.." mapapahamak? napa-isip naman ako sa sinabi ni Jake. Tama siya, sabi nga ni Reese kapag hindi ako makikipaghiwalay kay Dino. gagawa siya ng paraan para lang sirain kami. haaaaay. siguro, hindi talaga ako karapat-dapat para kay Dino. Mahal ko siya, mahal niya din ako.. pero, hindi pa naman kami. pero ang turingan namin kami na. kami na ba talaga?
"ano? share mo naman! para di ako OP." loko! OP eh, dalawa lang kami dito.
"tayo ba?" mukhang hindi niya nagets yung tanong ko.
"mahal mo ba ako?" nagnod siya sakin. "oo, higit pa sa buhay ko. ikaw? mahal mo ba ako?"
"oo.. natutunan na kasi kitang mahalin eh.."
"aww.. kinikilig ako!!" aba! parang bakla to eh. HAHA."edi.. tayo na?"
"M-hm!" tapos niyakap niya ako. haaaay. eto na naman yung yakap niya. parang katulad din sa langit..* KRRRRIIIINNNNGGG! *
Ayun, unat unat muna. tapos humarap ako sa salamin. ang ganda ko talaga! HAHA. biglang nagring yung cellphone ko.
Calling ..DinoLove'<3
"Hello?"
"Good Morning, CheLove!"
"Ahihi. Morning din, DinoLove.."
"Ah, buksan mo yung bintana mo tapos tingin ka sa langit. promise, ang ganda." ginawa ko naman yung sinabi niya."Oo nga, ang ganda.."
"Tingin ka sa baba!" eh? tumingin naman ako sa baba.Ayun, nakita ko siya nakaway. Nakasakay sa bike niya.
Hinatid niya ako papunta sa school. Pumunta muna kami sa lockers at nakita namin yung dalawang love birds. HAHA. si Aya tsaka si Marco.
"CheLove! Una na din ako. babye! i love you!!" nagwave lang siya sakin. okay na yun, kesa naman sa kiss. >____<
Kami naman ni Aya lumakad na. "Che.. kayo na no?" sinabi ko kay Aya na oo. "WAA! edi nagkiss na kayo??"
"hindi pa no. ayoko nga. HAHA."
"aish! arte neto. anyway, yung kaklase nila Marco.. si Cedric, nililigawan niya si Hannah tsaka si Yuri!!" HA?! bakit dalawa?! "okay lang daw kay Hannah na nililigawan ni Cedric si Yuri. ganun din si Yuri, so magkasundo sila." grabe, basta gwapo eh. HAHA.
"ganun? baka naman mag-away yung dalawa dahil kay Cedric."
"hay nako, playboy kaya yan si Cedric. 2 days relationship lang kaya yan." 2 days?!reaction ko :
O_________________________O
"OO. 2 days lang. TWO DAYS. shocking no?" nagnod ako kay Aya. "playboy eh. anong magagawa natin dun?" grabe, 2 days?! di ako makapaniwala. ang over naman niya!
Lunch Break
"Hi Che!" oh, si Jake. gwapo eh, sana siya nalang yung nagkiss sakin noon. WAA! ano ba tong iniisip ko?! kami na ni Dino.. oh well, crush ko naman siya eh. HAHA.
"Hello Jake!" lumapit siya sakin. "Ano plano mo?" tinilt ko ulo ko paright. ano daw? tapos binigyan ko siya na ano-ba-sinasabi-mo-dyan-ha? na look. HAHA.
"yun ba? wala."
"wala? sabi niya kaya, sisirain niya buhay mo." so?"ayos lang yun.. mahal ko si Dino, kaya hindi ko kayang makipaghiwalay sa kanya." totoo yan! PROMISE!
yung mukha ni Jake malungkot.. parang sinasabi na, 'sana ako nalang..' yun parang ganyan. pero di ako sure!
- Jake's POV -
haaaay. mahal na nga niya. sa tingin ko, kailangan ko nang kumapit at um-oo sa deal ni Reese..
* FLASH BACK *
"Jake.. Mahal mo si Che di ba?"
"Oo naman. Bakit?" ngumite siya na pangdemonyo."Pwes, pumayag ka sa deal ko. Madali lang naman.."
"Ano?" lumapit siya sakin. face to face. "Brainwash mo siya, sabihin mo sa kanya na sisirain ko buhay niya kapag hindi siya nakipaghiwalay kay Dino.""Yun lang ba? pag-iisipan ko muna.."
nagsmirk siya, "kapag nakipaghiwalay na siya kay Dino, pwede mo na siyang kunin."
"anong gagawin mo?"
"sasabihin ko kay Dino na buntis ako at siya ang ama.." nagulat ako sa sinabi niya."bakit? may nangyari ba sa inyo?" tumawa lang siya.
"lasing siya nun. mahal na mahal ko siya. sinayawan ko lang siya na nakatupis ako. kaya hindi niya alam na ako yun. at hindi niya alam na may nangyari.. pero, hindi talaga ako buntis. show lang, sasabihin ko na may nangyari kahit wala.." grabe to, demonita. HAHA.
"okay. tetext nalang kita kapag pumayag ako. kakausapin ko muna si Che."
"oh, sige. sana pumayag ka sa deal ko. babye~"
* END OF FLASH BACK *
"Oh sige, Che. alis nako. kakain nako sa canteen."
"okay!" tetext ko na si Reese. Habang nagtetext nakasalubong ko si Reese. Tinaas niya kilay niya.
"Ano?" taray talaga neto eh.
"Tetext sana kita eh. nandyan ka na, so ika-cancel ko na to." ayun nga, ginawa ko.
"Payag ka ba?" sabi na nga ba eh, tatanungin niya kung payag
"Ano sa tingin mo?"
"Oo?" nagnod ako sa kanya tapos ngumite. nilapitan niya ako, face to face."let's do this as a team. my trust is in you." tapos umalis na siya. ganun ba siya kapursigido? aish!
- Che's POV -
Dismissal
Nilapitan na naman ako ni Jake. Aba, lagi tong lumalapit sakin. Siguro may pagnanasa to sakin. HAHA.
"Bakit Jake?"
"Binigyan ako ng threat ni Reese. Sabi niya, kapag hindi ka daw makipaghiwalay kay Dino.. pati pamilya mo daw madadamay." bakit pati sila Mama kasama?! ano bang problema niya?!"hinintay niya yung sagot mo, dito isulat mo." pinakita niya sakin yung papel. Hindi ko alam ang gagawin ko. napaka-obsess naman niya. "ano?"
hindi ko alam, hindi ko alam. tama nga si Jake.. makipaghiwalay na ko kay Dino. ayoko pati sila Mama madadamay. hindi pwede to.. kinuha ko yung papel at nilagay ko yung sagot ko.
Dumating bigla si Dino para ihatid ako. "Che.. bakit kasama mo yang lalaking yan?" tinuro niya si Jake.
"Bakit? Sinabi ko lang sa kanya na makipaghiwalay na sayo kasi si Reese, sisirain ang buhay niya pati yung pamilya niya dahil SAYO." talagang i-emphasize ni Jake yung word na sayo.
Tumingin si Dino sakin. "Totoo ba sinasabi niya? Makikipaghiwalay ka na sakin?" hindi ko kaya. pero kailangan..
"Oo. gusto ko na makipagbreak. ayokong masaktan sila Mama, Papa at Ate. Ayoko. Kaya, itigil na natin to.."
No comments:
Post a Comment